Noong Sabado, pasado alas-tres ng umaga ay pumutok ang balitang nanganak na si Judy Ann Santos. Nagsimula ito sa isang text message. Kumalat din sa iba’t ibang entertainment at social networking sites. False alarm ang kumalat na balitang ito, kaya agad naming pinuntahan ang ina ni Juday na si Mommy Carol at kinuha ang kanyang pahayag para sa The Buzz.
“Jusmiyo! Ang unang-una ngang nag-text sa akin ay si Tintin Babao. Sabi niya, mommy is it true na nanganak na si Juday? Tapos mayroon nang tumawag na press, sunud-sunod na. Natatawa si Juday, ‘Ano ba ’yan?’ Sabi niya. Nasa bahay siya, especially ngayon na malapit na ’yung panganganak niya,” paglilinaw ni Mommy Carol.
Mayroong mensahe ang madir para sa nagsimula ng maling balita tungkol sa diumano’y panganganak ni Juday. “Whoever is doing that, akala n’yo siguro ay hindi pa full term si Juday, baka akala n’ya ngayon ay premature, darling mali ka sa iyong akala, full term na ’yung baby namin pero thanks! Ikaw yata ang excited eh, manganak ka na lang. ’Kainis,” iritang sabi ni Mommy Carol.
Shaina at Luis Kampante sa Closeness Nina Angel at John Lloyd
Nagsimula na kagabi ang pinakamalaking teleserye ng 2010, ang Imortal. Simula pa lamang ay kapana-panabik na ang mga eksenang aming napanood. Maganda ang chemistry nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz sa project na ito.
Naging super close rin ang dalawa dahil halos araw-araw silang magkasama sa taping. Marami tuloy ang nagtatanong kung hindi ba nagseselos kay Angel si Shaina Magdayao na girlfriend ni John Lloyd?
“Walang problema ’yun kasi si Angel kaibigan ko at nakatrabaho ko na siya sa Lobo, and at the same time I also trust John Lloyd,” sabi ni Shaina.
Malakas din ang ugong ng mga balitang nagkabalikan na ang dating magkasintahan na sina Angel at Luis Manzano. “Kaya ko pong sabihin ng buong puso na it’s not true na hindi pa po kami nagkakabalikan ni Angel. We’re working things out, meaning nakakalabas na kami. I guess that’s a very positive note for us,” paglilinaw ni Luis.
Hindi ba siya natatakot ngayon na naging close si Angel kay John Lloyd?
“They’re both very good people at nakasama ko na sila. Of course si Angel kilala ko siya on a very personal level, the same way with John Lloyd, maganda na maging magkaibigan talaga sila,” pagtatapos ni Luis.
Reports from JAMES C. CANTOS