Mukhang nabuhay na naman ang samaan ng loob at tampuhan ng (dating) magbiyenang Pilita Corrales at Lotlot de Leon na may kinalaman umano sa tinuran ng Asia’s Queen of Song sa isang panayam na ibinigay na ni Lotlot ang custody ng kanyang mga anak sa ex-husband niyang si Monching (Ramon Christopher).
Matagal nang may gap ang magbiyenan na nagsimula nang magkahiwalay sina Lotlot at Monching at nag-krus lamang muli ang landas ng dalawa nang sila’y magkita sa burol ng beteranong actor na si Charlie Davao, kamakailan lamang.
Nilapitan at binati ni Lotlot ang (dating) biyenan.
* * *
Natutuwa kami sa pagiging agresibo ngayon ng TV5 sa kanilang programming dahil mas maraming choices ang free TV televiewers bukod sa ABS-CBN at GMA 7.
Ang isa pang TV network na may captive audience ay ang Net25 kung saan may respective programs sina Janice de Belen (Spoon) at si Gladys Reyes (Moments).
Nang minsan kaming mapasyal sa studio ng Net25, nalula kami sa kanilang mga TV equipments and facilities laluna nang mag-remote taping ang Spoon ni Janice sa TOKI Japanese restaurant sa Bonifacio Global City na mapapanood ngayong linggo sa ganap na alas-6:30 ng gabi.
Walang gaanong commercials loads ang mga programa ng Net25 pero kaya nilang maka-survive at napapanood na rin sila sa ibang bansa including Japan.
* * *
Next to Kim Chiu at Gerald Anderson, sina Erich Gonzales, at Enchong Dee naman ang sinugalan ng Star Cinema bilang lead stars ng launching movie nilang I Do na showing na sa mga sinehan.
Bago nabigyan ng break sa pelikula, niluto muna ang loveteam nila Erich at Enchong sa telebisyon.
* * *
Maisalba kaya nina Rico J. Puno, Rey Valera, Marco Sison, at Nonoy Zuniga ang hindi umangat-angat na Pilipinas Win na Win ngayong wala na rin sa programa ang controversial host na si Kris Aquino na sumunod sa dalawa pang hosts, ang mag-asawa na ngayon na sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez?
Ang nakakalungkot lang, Salve A., si Kris ang kadalasang umaalis sa programa kapag gusto niyang kumalas, but this time, siya ang inalis at pinalitan ng mga veteran singers-performers. Ibig bang sabihin na unti-unti nang humihina ang kinang ng mga bituin ni Kris bilang TV host? Hindi naman siguro.
Samantala, sina Rico J., Rey at Marco ay pare-parehong mga alaga ng dati kong boss na si Norma Japitana na naging controversial din dahil sa pagkalas sa kanyang poder ng dati niyang alagang si Cesar Montano nang ito’y lumipat sa bakuran ng Kapuso network.