Bela si Richard naman ang target!

Hindi talaga nagkamali ng paglipat si Sam Pinto sa GMA7. Ang da­ming magagandang plano para sa kanya ang network. Pero ha­bang hinihintay niyang mag-materialize ang mga ito, hindi siya mag­kan­­dau­gaga sa rami ng kanyang mga guesting sa Ka­puso Network at magsisimula na siyang mapanood sa Ilumina.

* * *

Alaga na rin daw ni Mama Annabelle Rama ang aking good friend na si Gloria Romero. Hinahanapan niya ito ng projects sa TV5.

Bakit napapabayaan na ba ng Dos si Mareng Glo? Baka. Da­hil hindi naman ito maghahanap ng assignments sa ibang network kung alaga siya ng ABS-CBN.

* * *

Bilib din naman ako sa propesyonalismo ni Mama Annabelle. Kahit may na­ka­­raan si Pilita Corrales sa kan­yang dear dear husband na si Eddie Gu­tier­rez at nagkaroon pa sila ng anak, si Ramon Christopher, hindi ito naging saga­bal para tanggihan nila ni Eddie ang isang project na kung saan ay maka­kasama nilang mag-asawa ang hanggang ngayon ay in de­mand pa ring singer. May bagong show si Pilita sa TV5 na kung saan ay magkakasama-sa­ma sila sa show nina Eddie, Anna­belle, Da­­nita Paner, at JC de Vera.

I’m sure riot ito. Dalawang bisaya sa isang show?

* * *

Naunang maging real muna ang tan­dem nina Richard Gutierrez at So­­lenn Heussaf bago ito maging reel.

Balak daw ng mga bossing ng Ka­pu­so network na pagtambalin sila sa isang proyekto na inihahanda for next year.

At si Bela Padilla raw ang mag­sisilbing kon­trabida nila.

Hindi kaya sina Solenn at Bela ang sunod na mag-away? Sana hindi.

Mukha namang hindi nakaapekto sa kamag-anak ni Robin Padilla ang naging pag-aaway nila ni Dye­sebel (Marian Rivera) dahil agad siyang na­bigyan ng bagong assignment.

Show comments