MANILA, Philippines - Magkakaroon ng kakaibang Pirate Adventure Weekend sa Star City sa pagbubukas ng kanilang pinakabagong atraksiyon sa Oktubre 1, kasabay ng pagtatanghal ng Le Corsaire ng Ballet Manila.
Dadalo ang mga miyembro ng Black Pearl Philippines sa pangunguna ni Kapt. Jack Sparrow at ng Pirate Queen upang salubungin ang mga bisita sa pinakasikat na amusement park sa bansa. Kasama nila sa pagiging guest of honor sa pagbubukas ng Pirate Adventure ang kilalang ballerina na si Lisa Macuja- Elizalde, na siyang tampok sa Le Corsaire – isang kasiya-siyang produksiyon na pinasikat ng Bolshoi Ballet sa Russia. Tungkol din ito sa buhay ng mga pirata.
Para sa dagdag na kaalaman ukol sa Pirate Adventure Weekend ng Star City, tumawag sa telepono bilang 689-3496 o 833-4483.