^

PSN Showbiz

Concert ni Adam Lambert, for adults only?

-

MANILA, Philippines - Totoo nga bang baka maging For Adults Only ang nala­lapit na Manila concert ng American Idol Season 8 runner-up na si Adam Lambert sa Oct. 10 sa Mall of Asia Concert Grounds?

May mga grupo raw na nagsasabi na hindi whole­some si Adam kapag nagko-concert. Sa isang re­cent show niya sa US, may hinalikan daw si Adam na guwapong lalaki sa audience at ito ay lips to lips pa.

Kung mga teenagers daw na 18 and below ang manonood kay Adam, hindi magiging maganda kung ma­­kikita nila na manghahalik si Adam ng lalaking Pinoy sa audience.

Simula nang sumali si Adam sa American Idol, naging palaisipan na ang gender niya. Kahit na hindi siya naging vocal sa tunay niyang kasarian, marami pa rin siyang naging fans sa buong mundo.

Sa isang bansa tulad dito na maraming kon­ser­ba­tibo, marami raw mga magulang na hindi pabor pa­no­orin ang mga anak nila ng concert ni Adam. Kaya naman ipipilit ng ibang mga grupo na kon­trahin ang pagpe-perform ni Adam sa Manila o gawing For Adults Only ang show niya.

Hindi namin alam kung ano ang magiging reaction ng local pro­ducer ni Adam sa pro­testang ito.

Maraming teenage fans si Adam, pero sigu­radong ma­ba­ba­wasan ang crowd atten­dance sa concert niya kung maipa­patupad ang For Adults Only na patakaran.

vuukle comment

ADAM

ADAM LAMBERT

AMERICAN IDOL

AMERICAN IDOL SEASON

FOR ADULTS ONLY

KAHIT

KAYA

MALL OF ASIA CONCERT GROUNDS

MARAMING

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with