Mataas na singil sa kuryente uusisain

MANILA, Philippines –  Kasunod ng balitang magtataas ng singil sa kuryente, hindi maiaalis na tumaas din ang presyon ni Juan sa pag-iisip ng dagdag-bayarin. At kahit pa detalyadong nakasaad sa bill kung saan mapupunta ang bi­na­bayaran sa kuryente, hirap pa rin intindihin ng mga konsumer ang mga numero nito.

Sa napipintong pagtaas ng kuryente sa darating na buwan, kaliwa’t kanang reklamo na naman ang daing ng mga Pilipino sa dagdag pasakit na bayarin na ito. Kasama si Luchi Cruz-Valdes, aalamin ng Journo mula sa columnist na si Marvin Tort ang dahilan kung bakit ganun na lang kamahal ang binabayarang kuryente ng mga Pilipino ngayong Mar­­tes (Setyembre 28), alas-10 ng gabi.

Samantala, bubusi­si­in din ng Journo ang pro­curement ng driver’s li­cense ng Land Transpor­tation Office (LTO) sa Amalgamated Mo­tors, Inc. nang walang malinaw at sapat na bidding. Ipa­liliwanag ng kolumnista ng Philippine Star at UP pro­­­fessor na si Alex Magno kung bakit mahalagang malaman ang kasong ito.

Tutukan ang malali­mang pag-aanalisa sa mga isyung pi­na­puputok ng mga de-kalibreng ko­lumnista sa Journo, tuwing Martes, alas-10 ng gabi sa TV5.

Show comments