Mataas na singil sa kuryente uusisain
MANILA, Philippines – Kasunod ng balitang magtataas ng singil sa kuryente, hindi maiaalis na tumaas din ang presyon ni Juan sa pag-iisip ng dagdag-bayarin. At kahit pa detalyadong nakasaad sa bill kung saan mapupunta ang binabayaran sa kuryente, hirap pa rin intindihin ng mga konsumer ang mga numero nito.
Sa napipintong pagtaas ng kuryente sa darating na buwan, kaliwa’t kanang reklamo na naman ang daing ng mga Pilipino sa dagdag pasakit na bayarin na ito. Kasama si Luchi Cruz-Valdes, aalamin ng Journo mula sa columnist na si Marvin Tort ang dahilan kung bakit ganun na lang kamahal ang binabayarang kuryente ng mga Pilipino ngayong Martes (Setyembre 28), alas-10 ng gabi.
Samantala, bubusisiin din ng Journo ang procurement ng driver’s license ng Land Transportation Office (LTO) sa Amalgamated Motors, Inc. nang walang malinaw at sapat na bidding. Ipaliliwanag ng kolumnista ng Philippine Star at UP professor na si Alex Magno kung bakit mahalagang malaman ang kasong ito.
Tutukan ang malalimang pag-aanalisa sa mga isyung pinapuputok ng mga de-kalibreng kolumnista sa Journo, tuwing Martes, alas-10 ng gabi sa TV5.
- Latest