Pera at doktor sa utak, Cita Astals kailangan pa rin ng tulong

Seen : Ipinagbunyi ng Survivor Philippines fans ang eviction ni Buhawi Meneses. Sagana si Buhawi sa salita pero kulang sa gawa.

Scene : Magkalaban na ang mga programa ng mag-amang Edu at Luis Manzano. Inilipat ng ABS-CBN sa morning timeslot ang Panahon Ko ‘To nina Luis at Billy Crawford. Umpisa na bukas ng head-on collision ng Panahon Ko’To at Asar Talo, Lahat Panalo.

Seen : Seksing-seksi si Iza Calzado sa suot na two-piece bikini sa teaser ng Beauty Queen, ang ‘crowning soon’ primetime show ng GMA 7.

Scene : Upset si Maja Salvador dahil naiwan ng PAL sa Maynila ang kanyang maleta nang umalis siya noong Huwebes. Kagabi ang show nina Maja, Chokoleit at Jed Madela sa Sydney, Australia pero hindi pa ibinabalik ng PAL ang kanyang bagahe.

Seen : Ang Mickey Mouse tattoo na malapit sa butt crack ni Iwa Moto. Mickey ang pangalan ng boyfriend ni Iwa.

Scene : Hindi naawat ni Senator Bong Revilla ang anak na si Jolo Revilla sa pagkandidato nito bilang barangay captain sa Bacoor, Cavite. Ipinaalaala ni Bong kay Jolo na mabigat na responsibilidad ang maglingkod sa bayan pero buo na ang pasya ng batang aktor.

Seen : Nangangailangan pa rin ng financial at psychiatric help ang former Manila City councilor na si Cita Astals.

Scene : Boring at nagmimistulang publicity stunt ang press release ni Enzo Pineda na liligawan niya si Sarah Lahbati.

Seen : Dwarfina ang pamagat ng bagong primetime show ni Heart Evangelista sa GMA 7. As the title suggest, dwarf ang role ni Heart.

Show comments