Naglayas Nadine Samonte napikon na sa ina
Whirlwind ang naging courtship nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez na nauwi sa kanilang kasalan ng biglaan sa India nung nakaraang August 19.
Kitang-kita sa bagong mag-asawa ang kaligayahan ngayon pero marami ang nagtatanong, magtagal kaya ang kanilang pagsasama lalupa’t ilang buwan pa lamang ang kanilang relasyon?
Matulad din kaya sila sa ibang celebrity couples na sa hiwalayan mauuwi? Maraming adjustments ang pagdadaanan ng bagong mag-asawa.
Si Mariel ay isang saradong Katoliko habang si Robin ay nagpa-convert sa pagiging isang Muslim na malamang yakapin din ng ex-girlfriend ni Zanjoe Marudo tulad ng ginawa ng ex-wife ni Robin na si Liezl Sicangco.
Bilang isang Muslim, entitled si Robin sa tatlo o apat na asawa bagay na hindi marahil matatanggap ni Mariel at ng kanyang pamilya. Isa ring public knowledge ang pagiging ladies’ man ni Robin dahil na rin sa malakas nitong appeal sa mga kababaihan.
* * *
Gaano kaya katotoo ang balita na naglayas umano si Nadine Samonte sa kanilang bahay at nagsasarili na ito sa isang condo dahil pakiramdam nito ay sobra na siyang nasasakal sa kanyang ina?
Mahirap din ang papel ng isang ina dahil minsan, nakakalimutan nito kung kelan niya puwedeng pakawalan ang kanyang anak para mamuhay ng sarili.
May mga ina o magulang na over-protective sa kanilang mga anak dahil hangad lamang nila ang tiyak na kaligtasan at kapakanan ng mga ito. Pero minsan, nakakalimutan ng mga ina na nasasakal na pala ang kanilang mga anak dahil sa sobra nilang kahigpitan na madalas ay nagiging dahilan kung bakit nagrerebelde ang kanilang mga anak.
* * *
Ayon kay Dingdong Dantes, sumasagi na rin sa kanyang isipan ang pag-aasawa pero hindi umano ito mangyayari in the next few years dahil naka-focus umano ang kanyang attention sa kanyang career pero kung ito man daw ay mangyayari, malamang in the next five years at umaasa siya na sana’y si Marian Rivera na nga ang kanyang ihaharap sa dambana.
Sa rami na ng roles na ginampanan ni Dingdong, pangarap niyang gampanan ang pinaslang na bayani na si Sen. Benigno `Ninoy’ Aquino na gustung-gusto ring gampanan nina Cesar Montano at Piolo Pascual.
* * *
It seems na sina Queenie Padilla at Ejay Falcon na ngayon although wala pa ring direktang pag-amin na nagmumula sa dalawa. Pero kung ang kanilang mga kilos ang pagbabasehan, halata na may special something sa kanilang pagitan.
Naging kasintahan ni Queenie si PJ Valerio pero hindi umano nagtagal ang relasyon ng dalawa.
Samantala, masaya si Queenie para sa kanyang Papa na si Robin Padilla sa ginawa nitong pagpapakasal kay Mariel Rodriguez.
Umaasa ang panganay ni Robin na magtagal ang relasyon nila ni Mariel.
- Latest