GMAAC models napansin sa China

MANILA, Philippines - Tatlong modelo ang nakapagbigay ng magan­dang balita sa Pilipinas nang kasagsagan ng hos­tage-taking incident na hindi lamang nabig­yang-pansin. Nga­yon, ipinakikilala ng GMA Artist Cen­ter (GMAAC) sina Ma­riana del Rio, Bian­ca Paz, at Gwen Ruais na nabigyan ng para­ngal sa 5th Asian Supermodel sa Nanning, China mula Aug. 21 hanggang Sept. 3.

Third runner-up si Mariana at nakalaban ang mga nag­­gagandahang modelo mula India, Malay­sia, Thai­­land, Vietnam, Myanmar, Korea, Japan, China, at Mongolia. Ms. Photogenic at Best Run­way Walk na­man ang mga Pinay beauties na sina Bianca at Gwen.

Ang tatlo ay nagtagal sa China ng halos dala­wang linggo sa mga pictorials, media interviews, at iba pang pre-pageant activities. Sa finals night, ang mga gowns ay sponsored nina Francis Libiran, Jon­ty Martinez, at Ramon Sabella.

Ang mga Pinay international supermodels ay inihahanda rin para sa IMF’10 fashion show sa Ma­lay­sia sa November.

Si GMAAC head Ida Henares ang pumili at sumama sa mga delegado ngayong taon para sa Asian Supermodel.

Noong 2008, sina Rhian Ramos, Stephanie He­nares, at Arci Muñoz ang mga nakakuha ng mga key awards. Nasa Top 10 Supermodel cate­gory pa sina Rhian at Stephanie. Si Arci naman ang naka­kuha ng International Friendship Award habang Miss Vitality si Rhian.

Ang Asian Supermodel ay taunang paligsahan na sinusuportahan ng China Fashion Designers As­­sociation at ng China Bentley Culture Deve­lop­ment Co., Ltd., dalawang malalaking respe­ta­dong korporasyon ng modeling sa Asya.

Ang contest ay ibini-broadcast sa Guangxi TV at napapanood ng mahigit 60 million viewers sa China pa lang.

Show comments