GMAAC models napansin sa China
MANILA, Philippines - Tatlong modelo ang nakapagbigay ng magandang balita sa Pilipinas nang kasagsagan ng hostage-taking incident na hindi lamang nabigyang-pansin. Ngayon, ipinakikilala ng GMA Artist Center (GMAAC) sina Mariana del Rio, Bianca Paz, at Gwen Ruais na nabigyan ng parangal sa 5th Asian Supermodel sa Nanning, China mula Aug. 21 hanggang Sept. 3.
Third runner-up si Mariana at nakalaban ang mga naggagandahang modelo mula India, Malaysia, Thailand, Vietnam, Myanmar, Korea, Japan, China, at Mongolia. Ms. Photogenic at Best Runway Walk naman ang mga Pinay beauties na sina Bianca at Gwen.
Ang tatlo ay nagtagal sa China ng halos dalawang linggo sa mga pictorials, media interviews, at iba pang pre-pageant activities. Sa finals night, ang mga gowns ay sponsored nina Francis Libiran, Jonty Martinez, at Ramon Sabella.
Ang mga Pinay international supermodels ay inihahanda rin para sa IMF’10 fashion show sa Malaysia sa November.
Si GMAAC head Ida Henares ang pumili at sumama sa mga delegado ngayong taon para sa Asian Supermodel.
Noong 2008, sina Rhian Ramos, Stephanie Henares, at Arci Muñoz ang mga nakakuha ng mga key awards. Nasa Top 10 Supermodel category pa sina Rhian at Stephanie. Si Arci naman ang nakakuha ng International Friendship Award habang Miss Vitality si Rhian.
Ang Asian Supermodel ay taunang paligsahan na sinusuportahan ng China Fashion Designers Association at ng China Bentley Culture Development Co., Ltd., dalawang malalaking respetadong korporasyon ng modeling sa Asya.
Ang contest ay ibini-broadcast sa Guangxi TV at napapanood ng mahigit 60 million viewers sa China pa lang.
- Latest