MANILA, Philippines - Ang Starstruck alumnus na si Prince Stefan ay masayang binabalikan lagi ang karanasan sa artista-search na parang isang playground o palaruan sa kanya. Ang alam niya kasi ay nag-enjoy lang siya, kamukat-mukat niya, umuwi na siyang dala ang titulong First Prince title at biglang nakikisalamuha na sa showbiz.
Apat na taon ang nakalipas at iba na nga ang mundo ni Prince ngayon. Pero ngayon ay mas seryoso na siya at hindi na naglalaro sa playground.
“Walang formula ang pag-boom ng isang artista,” sabi ng Iloilo-born Kapuso na may Arabian blood. “You will never know kung time mo na and kung darating ba talaga ang time na ’yun. May control ka lang sa kung gaano ka ka-serious sa trabaho. Dati naglalaro lang kami. Now, we have to be serious with work, which I think is the key to improving as an artist.”
Marami na siyang natutuhan sa mga workshops ng GMA Artist Center (GMAC) at natutuwa si Prince sa mga iba’t ibang role na ginagampanan sa telebisyon man o teatro.
Busy ngayon ang young actor sa drama-comedy-fantasy Bantatay ng GMA 7. Boyfriend ni Jennica Garcia ang karakter ni Prince bilang si Calvin.
Sa larangan naman ng teatro, unang pagkakataon ang pagkakaganap ni Prince bilang si Crisostomo Ibarra sa stage play na Noli Me Tangere.
“I realized I want to concentrate on drama kasi madami akong pinaghuhugutan para maiyak,” sabi ng young actor at ibinigay na example ang naging problema niya sa kanyang ina.
Pero mas challenging para kay Prince ang maging kontrabida.
“’Yung ikaw ang nang-aapi. Acting talaga is continuous learning and I’ve learned from Direk Joel (Lamangan) more than what I expected,” diin pa ni Prince.
Ang isa pang talento ni Prince ngayon na binibigyang pansin ay ang pagkanta. Kaya hindi siya limitado sa pag-arte lamang.
Pinapangarap niya ang isang R&B o pop album. Say ni Prince, seseryosohin niya rin ang pagbuo ng debut album kung sakali at hindi ’yung basta makapaglabas lang.