Pekeng ticket sa concert ni John Mayer, nagkalat

Seen : Si Allan K. sa Trinoma branch ng Gan Advanced Osseointegration Center noong Huwebes. Ipinagawa ni Allan K. sa GAOC ang kanyang bagong ngipin.

Scene : Binawi ng British Boxing Board of Control ang boxing license ni Ricky Hatton dahil sa paggamit nito ng illegal drugs. Hindi naka-recover si Ricky sa trauma ng pagpapabagsak sa kanya ni Manny Pacquiao sa boxing fight nila sa Las Vegas noong May 2009.

Seen : Kailangan ni Atty. Persida Acosta ng stylist dahil fashion victim siya sa Public Atorni. Very 80's ang mga damit ni Atty. Acosta sa kanyang show sa TV5.

Scene : Napagkakamalan na gay impersonator si Gloria Romero sa kanyang karakter sa Kokey@Ako.

Seen : Si Paolo Bediones ang nag-report sa Aksyon ng mga pagmamalabis ng Marcoses noong nasa ilalim ng martial law ang Pilipinas. Kamag-anak si Paolo ng mga Marcos.

Scene : Pinag-iingat ang publiko sa pagbili ng concert tickets ni John Mayer sa Mall of Asia Concert Grounds sa October 1 dahil nagkalat ang fake tickets.

Seen : Si Jake Cuenca ang leading man ni Marian Rivera sa Super Inday and The Magic Bibe. Si Michael Tuviera ang direktor ng Metro Manila Filmfest entry ng Regal Films.

Scene : Si Amy Perez ang bagong Ina Magenta sa Agimat ni Enteng, ang MMFF entry nina Senator Bong Revilla at Vic Sotto. Si Charito Solis ang original Ina Magenta at ginampanan din ito ni G Tongi.

Seen : Hindi na si Ed Instrella ang manager ni Gardo Verzosa. Maayos ang kanilang paghihiwalay.

Show comments