Jewel nagpaalam kay Richard, lilipat na sa ibang channel

Nag-pictorial na last Wednesday si Iza Calzado para sa ba­­gong soap niyang Beauty Queen at sa Sept. 27 na ang sche­dule ni Direk Joel Lamangan na first taping day ng cast. Nagpa-practice mag-wave ala-beauty queen ang aktres dahil ’yun yata ang role niya sa soap na from afternoon slot ay inilipat sa Telebabad block at balitang ipapalit sa Endless Love.

Sandali lang namin nakakuwentuhan si Iza dahil nagmama­daling bumalik sa pictorial, pero natanong pa rin namin kung ka­ilan siya papasok sa Eat…Bulaga, kung saan, kasama ang anak ni Chi­qui Hollman, silang dalawa ang dagdag na mga co-hosts ng show.

Kaya lang, wave ala-beauty queen at smile lang ang sagot nito, pero ang tsika sa amin, kahapon ay nakipag-meeting na ang manager niyang si Noel Ferrer sa Tape, Inc. at kung ma­ayos ang schedule, sometime in October na lalabas sa noontime show si Iza.

Samantala, sa nakita naming poster ng White House, alam na kung ano ang role ni Iza sa horror movie ng Regal Films na showing sa Oct. 13. At least, kahit multo ang role, top billing siya sa nabanggit na pelikula. 

* * *

Kumpara sa nakaraang taon, good year kay Richard Gutierrez ang 2010 dahil rumarat­sada ang kan­yang career at ang feeling ng actor dahil ito sa kasisimba at ka­dada­sal ng inang si Annabelle Rama. May hit movie (In Your Eyes) at hit ang pagho-host niya ng Survivor Phi­lip­pines: Celebrity Show­down.

Tinanggap din si Richard na host ng documentary special ng GMA 7 at ang second episode nga ng Anatomy of a Disaster ay ipalalabas sa Sunday, Sept. 26, the same date na sinalanta ng bagyong Ondoy ang Metro Manila.

Nadulas pala si Ri­chard at ibinalitang isasali sa New York Festival ang Wildlife for Sale na siya rin ang host at umani ng positive feedback.

Sabi rin pala ni Richard, marami siyang isinakripis­yo para sa kanyang career at isa rito’y ang kanyang lovelife. Break na sila ni Jewel Mische, pero friends pa rin sila at may communication at okay din sa kanya kung totoong kinukuha ito ng GMA 7 to be one of his leading ladies sa Cap­tain Barbell. Kaso ang alam ni Richard, lilipat sa ibang network ang ex-GF.

* * *

Itinanggi ng Blue Dream Entertainment, producer ng concert ni Adam Lambert ang nasulat na mas pinaboran sila ng Pasay City Hall na bigyan ng permit at tax exemption. Dumaan sila sa tamang pro­seso at hindi sila exempted sa pagbabayad ng amusement tax.

Kinailangang linawin nina Lannie Cruz (VP-sales and marketing), David Halili (project man­ager) at Christian Andoy (SVP/managing director) ang isyu dahil baka maapektuhan ang ka­­nilang kumpanya. Marami pa naman silang ba­lak dalhin dito after Adam Lambert na sa Oct. 10 na ang concert sa SM Mall of Asia Concert Grounds.

Show comments