Sampung bossing naglaro para sa charity
MANILA, Philippines - Ang mga tinatawag na Bossings ng PLDT SME Nation ay nagsama-samang naglaro sa Who Wants to Be a Millionaire? ng TV5 para sa dalawang milyong pisong premyo. Wala sa kanila ang nangangailangan ng pera, ang kagustuhan nila ay makatulong na makapagbigay ng pondo para sa napiling charity.
Ang mga Bossings na hango sa kampanyang Bossing Ako - lahat ay matatagumpay na negosyante ng PLDT SME Nation entrepreneurship campaign - ay nag-enjoy sa paglalaro sa harap ng telebisyon.
Isa itong partisipasyon ng mga negosyanteng Pinoy na nais maipaabot sa madla ang kanilang narating at nagnanais makapagbigay ng inspirasyon ang kanilang kuwento.
“Being an entrepreneur allows you to be your own boss and control your personal and financial destiny. By becoming the boss of a business, you can help create jobs and improve the national economy. We are happy that our Bossings are very supportive of our campaign,” sabi ng PLDT SME Nation VP na si Kat Luna-Abelarde.
Ang Bossing naman ng Who Wants to Be a Millionaire? na si Vic Sotto ay masaya ring nakilala ang sampung Bossing na may kanya-kanyang beneficiary. Sila ay sina Mon Lopez (Philippine Center for Entrepreneurship); Roseann Hizon-Bunla (Bahay Pag-Ibig); Les Reyes (Childhaus at PCSO at Lualhati ng Maynila Home for the Aged); Sarah Liuson (First Love Philippines); Louie Gutierrez (Bahay Pag-Ibig); Joe Magsaysay (Bantay Bata Foundation); Juno Henares (Ike and Nena Belo Foundation); Roselle Monteverde-Teo (Kids Foundation), at Gardy Cruz (Rotary Club of Navotas).
Sa bandang huli, ang mga Bossings ng PLDT SME Nation ay nanalo ng P140,000 para sa napiling charity.
Para sa iba pang impormasyon kung paano makakatulong sa negosyo ang PLDT-SME Nation, tumawag sa 101-888 o bisitahin ang www.pldtsmenation.com.ph
- Latest