'Molang-mola'
Ikinuwento ni Direk Wenn Deramas kung paano nakitaan si Luis Manzano sa shooting ng Petrang Kabayo. Ang eksena ay naliligo ang TV host-actor at aksidenteng nadala nito ang manhood niya paghugot niya ng kamay na nakadukot sa suot na shorts.
Sabi ni Direk Wenn, kasalanan din ni Luis ang nangyari dahil OA ang ginawa nito sa eksena pero hindi mapapahiya ang binata dahil “molang-mola” ito (words ito ni Direk Wenn).
Walang kumalat sa internet na picture ni Luis kahit napiktyuran ng celfone dahil agad ipinabura ni Direk Wenn bilang proteksiyon sa TV host-actor.
Hindi rin isasama ang eksena ’pag ipinalabas ang movie sa Oct. 13.
Samantala, ratsada ang career ni Vice dahil bukod sa pelikula, pumirma na rin siya ng recording contract sa Viva Records.
Takot sa over-exposure ang komedyante kaya ang ginagawa nila ng manager niyang si Ogie Diaz, one month in one year na nagbabakasyon siya para magpahinga at makapag-recharge at mag-isip ng new strategies.
* * *
Ang Koreana na pagbibidahan ni Kris Bernal ang ipapalit sa Basahang Ginto, madalian ang trabaho ng mga involve sa soap dahil Oct. 11 na ang airing. Wednesday next week na sisimulan ni Direk Gil Tejada ang taping para may trailer na maipalabas sa presscon sa Oct. 5.
Fil-Korean ang role ni Kris dito at pag-aagawan siya nina Steven Silva na gaganap sa role ng isang Korean at Rocco Nacino. Inalis si Rocco sa Paano Ba ang Maging Ina? na dapat kasama niya sina Jennylyn Mercado at Lovi Poe para ilagay sa Koreana.
Nalula si Direk Gil sa supporting cast na ibinigay sa kanya dahil pawang malalaking artista pero ayaw niya munang sabihin. Si Eddie Garcia lang ang kanyang binanggit at sa veteran actor pa lang, solved ang direktor.
Binabalasa ng GMA 7 ang team up ng kanilang mga bagong shows at ’yung unang tambalan na casting nila ay napapalitan. Gaya na lamang ni Rocco na inalis sa soap nila nina Jennylyn para ilagay sa Koreana.
Hindi na rin si Dennis Trillo ang makakapareha ni Carla Abellana sa susunod niyang soap after Basahang Ginto dahil ang aktor ang leading man ni Heart Evangelista sa Dwarfina.
Matagal nang hinihintay ang tambalan ng dalawa at may fan club pa nga sila mula nang muntik nang magsama sa isang afternoon soap na natuloy sa isang episode ng Dear Friend.
* * *
Isasabay sa anniversary nang pananalanta ni Ondoy ang airing ng Buhos, ang documentary on climate change produced by Sen. Loren Legarda and directed by Brillante Mendoza. Mapapanood ang Buhos sa Q Channel 11 sa Sept. 26, 11:30 p.m. at sana marami ang tumutok para malaman ang nangyayari sa pagpapabaya natin sa ating environment.
Umpisa pa lang ng collaboration nina Sen. Loren at Direk Dante ang Buhos dahil marami pa silang pinaplanong gawin para makatulong na imulat ang tao at gobyerno sa dulot nang kapabayaan.
Must see ang documentary na ito lalo na sa mga pasaway!
- Latest