^

PSN Showbiz

Lani halos ayaw nang makipag-usap

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Madalang nang makita’t makausap si Lani Mercado mula nang mahalal na congresswoman dahil focus sa trabaho at sinisigurong matutupad ang campaign promises sa mga taga-Bacoor, Cavite.

Kabalikat si Lani ni Bacoor Mayor Strike Revilla sa selebrasyon ng 339th founding anniversary ng Bacoor at selebrasyon ng Bakood Festival 2010, siya ang nagbasa ng activities na ginagawa at gagawin pa sa Bacoor hanggang September 29. 

Ibinalita rin ni Lani na si Strike ang President ng Mayor’s League ng Cavite at tumatakbong Pres­ident ng Mayor’s League sa buong bansa.

Ang hindi sinagot ni Lani ay ang may kinalaman sa lovelife ng bayaw, ito na lang daw ang tanungin ng press.

***

Malaki ang posibilidad na magkabalikan ang Kapuso actor na si A at Kapuso actress na si R dahil muling nagpakita ng interes ang actor sa actress na minsan na niyang naging GF pero hindi inamin in public ang kanilang relasyon. In fact, pati break-up nila, hindi niya inamin.

Ibig lang sabihin, mahal talaga ni Actor A si Actress R kahit na-link siya sa kanyang ka-loveteam at inili-link sa isang baguhang actress ng GMA Network.

Kinailangan lang magkasama sa isang gimikan ang dating mag-syota para ma-realize ng actor na mahal pa rin niya ang ex.

Nang makausap ng ilang press, nabanggit ng actor na posibleng maging sila (uli) ni Actress R at napangiti nang biruin ng press na sana, pagdating ng time na maging GF uli niya si Actress R, hindi na siya mag-deny.

Kapag binalikan ni Actor A si Actress R, puwede nang tarayan ni Actress R ang ka-loveteam ni Actor A na hindi niya kasundo.

Puwede na rin niyang ipagmalaking siya at hindi ang ka-loveteam ang mahal ni Actor A!

***

Hindi na nagulat si Lovi Poe nang ibalita naming tatakbong barangay captain ang ex niyang si Jolo Revilla sa barangay nila sa Bacoor, Cavite. Kahit pala noong sila pa, nababanggit na ng actor na gusto niyang pumasok sa pulitika at naniniwala si Lovi na magiging mahusay na pulitiko ang dating nobyo.

Samantala, una nang ipina-interview ng Regal Films si Lovi para sa pelikulang White House na showing sa October 13 at may premiere night sa Oct. 11 sa SM Megamall.

Sobrang scary daw ang movie sa direction ni Topel Lee at walang hindi sisigaw at matatakot sa manonood.

Kasama ang White House sa maraming projects na gagawin ni Lovi sa Regal, nasa cast din siya ng remake ng Temptation Island  at pinaghahandaan na rin ang launching movie niya. Hindi raw siya mamimili ng role, kahit sexy, basta’t comfortable siya.

Kinumpirma rin ni Lovi na hindi na siya sa bahay ng mommy niya nakatira, kundi nagre-rent ng apartment kasama ang mga pinsan.

Magwa-one year na raw siyang naninirahan na hindi kasama ang ina at kapatid and she’s loving the experience. Revilla & Lovi Poe.  

vuukle comment

ACTOR

ACTOR A

ACTRESS

ACTRESS R

BACOOR

CAVITE

LANI

LOVI

LOVI POE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with