MANILA, Philippines - Maraming nakapansin. Biglang bumait ang mga statement ni Willie Revillame pagkatapos siyang sampahan ng counterclaim ng ABS-CBN na halos kalahating bilyon.
Ayon sa isang source ni PM columnist Vinia Vivar (sister publication ng PSN), nakasaad sa kontrata ng TV host na magbabayad siya ng mahigit apat na daang milyong piso oras na lumabag siya rito.
So kung ganun, malinaw at alam niya na ngayon ay lumabag siya sa kontrata dahil pumirma siya sa TV5 ng panibagong kontrata.
Hindi naman siya puwedeng mag-deny na hindi pa siya pumipirma ng panibagong kontrata dahil nag-pictorial na sila at nagkaroon na ng maraming press releases galing sa TV5 na Kapatid na siya.
Ayon naman sa isang legal adviser, malinaw na si Revillame ang lumabag sa kontrata dahil siya ang umalis sa programa niyang nasibak na Wowowee. Hindi siya tinanggal. Siya ang nag-absent nang hindi sundin ng ABS-CBN ang kanyang gusto na tanggalin ang isa pang empleyado ng Kapamilya network.
May offer naman siyang trabaho pero ayaw niya.
Nang ayaw niya na, nakipag-deal siya sa iba. Pumirma ng kontrata sa TV5 hanggang sampahan siya ng counterclaim ng ABS-CBN.
Marami nang naghihintay sa magiging resulta ng malaking court battle na ito.
***
Wala na bang ibang artista?
Para kasing sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez na lang ang pinag-uusapan.
Sana naman may pumutok na bagong intriga para may iba naman.
Ewan pero paikut-ikot na lang ang kuwento sa kanila.
Eh ano naman kung nagpakasal sila di ba?
***
Na-feature si Charice sa Music Section ng USA Today September 20 edition.
Nabasa sa nasabing feature article ang background ng buhay ni Charice simula noong bata pa siya at kung paano sila iniwan ng kanyang ama matapos nitong tutukan ng baril ang kanyang ina.
Ngayong araw din, Tuesday sa America ipalalabas na ang season 2 ng Glee.
Maraming excited na mapanood sa nasabing palabas ng Fox channel si Charice lalo na raw ang bongga ang accent niya sa nasabing palabas na sikat na sikat sa buong mundo. (SVA)