Vhong magaling mag-entertain ng babae

Marami ang nakapuna sa madalas na pag-absent ni Vhong Navarro sa Showtime lately.

Nagiging pasaway na nga ba si Vhong ngayon kaya maging sa mga talk shows ay ayaw niyang mag-guest?

Buong tapang na hinarap ni Vhong ang inyong lingkod para sa The Abunda Challenge segment ng The Buzz at narito ang kanyang mga naging pahayag.

“Nate-tense lang po ako, gusto ko kasi ay tama lahat ng sasabihin ko. Hindi po ako nakapag-Showtime dahil may mga nangyayari sa akin gaya nang nagkasakit po ako kaya ako um-absent.

“‘Yung isang absent ko pa doon ay dahil graduation ng panganay kong anak,” paglilinaw ni Vhong.

Naging game din si Vhong sa pagsagot sa mga nakaka-intrigang tanong tulad na lamang ng kung sino sa mga lalaki sa showbiz ang ayaw niyang maging karibal sa babae.

“Si John Lloyd, kasi magkasama kami parang magkakailangan kami kapag may nangyari na ang gusto namin ay iisa, kung sakali mang darating ’yun ay ayokong magkasamaan kami ng loob dahil malapit sa akin si Lloydy,” seryosong paliwanag pa ni Vhong.

May mga nagsabi rin na babaero raw ang komedyanteng TV host, pero ano ba talaga ang totoo sa isyung ito?

 “Siguro ay lapitin lang. Magaling po akong mag-entertain ng mga babaeng lumalapit at the same time ay baka mali ang pagkakaintindi nila. Ako naman po ay tao lamang at natutukso rin,” pabirong sagot ni Vhong.

Pinamili pa namin between Anne Curtis and Toni Gonzaga kung sino ang mas mahal niya sa dalawa?

Nahirapang sumagot si Vhong, pero sa bandang huli ay inamin din nito na si Toni ang mas mahal niya dahil na rin sa mas matagal daw niyang nakasama ito.

Korina Sanchez ayaw munang mabuntis

Ngayon ay hindi pa rin natin napapanood si Korina Sanchez sa news buhat nang mag-leave siya last year mula sa kanyang mga trabaho sa radyo at TV.

Rated K pa rin lamang ang kanyang pinagkakaabalahan sa ngayon kaya nae-enjoy din ni Korina ang kanyang pagbabakasyon.

Ano na nga ba ang kanyang balak at kailan siya tuluyang magbabalik sa mga programang iniwan niya, o kaya naman ay magfo-focus na lamang ba siya on her married life? “I love working at ayokong humingi ng pera sa asawa ko, gusto ko pera ko. Natutuwa ako sa ABS because when I talk to Sir Gabby (Lopez) or Ma’am Charo (Santos) or Tita Cory Vidanes, they tell me Korina you have to stay with us. Sabi ko bakit? ‘Di naman ako aalis. They tell me na we have plans for you. Ako naman, hindi ako nagmamadali. I am enjoying my break so ngayon, ako travel lang nang travel. I can enjoy family, I can enjoy friends, feeling ko ay girl ako. Hindi nakatali ang hair ko for once. When ABS is ready I will be there for them,” pahayag ni Korina.

May balita rin na pinaghahandaan na ni Korina ang kanyang pagbubuntis, totoo ba ito?

“Hindi totoo ‘yan. Hindi ko muna iisipin ang pagbubuntis. Sabi naman ng OB Gynecologist ko ay puwede pa kong maghintay. I love children but I think it doesn’t define being a woman. It has to be at a time when I’m most ready. Kapag ready na ako, ia-announce ko sa buong mundo,” paglilinaw pa ni Korina. – Reports from James C. Cantos

Show comments