MANILA, Philippines - Ang boy group ng Viva Communications XLR8 ay may napatunayan na naman sa kanilang mga fans. Hit na hit kasi ang bagong single nilang I Love You Girl mula sa self-titled debut album ng grupo. Ito ang sumunod sa You’re So Hot, I Love You Girl.
Ang XLR8 na ang pagkakabigkas ay tulad ng “accelerate”, ibig sabihin ay papabilis ang takbo, ay nagpapakita lamang ng bilis ng kanilang pagsikat dahil sa angking talento. Tinitilian at pinagkakaguluhan ang dance group saan man magpunta.
Kabilang sa grupo sina Hideaki Torio (Aki), John Carlo B. Lazerna (Carlo), ang kambal na sina Meljohn (MJ) at Melmar G. Magno (MM), Adrian Justine R. Muhlach (AJ), Francis Albert Ramos (Kiko), Arkin del Rosario, Jr. (Arkin), and Caleb B. Santos (Caleb).
Si MJ ang sumulat ng mga kantang Ms. Beautiful, Dance With Me, at I Love You Girl. Si AJ naman ang half-brother ni Aga Muhlach.
Mapapanood ang performance ng XLR8 tuwing Linggo sa Party Pilipinas sa GMA 7. Kasama rin ang group sa Record Breaker tour ni Sarah Geronimo sa Sept. 24 sa Cabanatuan at sa Oct. 8 sa Bataan. Maaari rin silang abangan sa SM San Lazaro sa Sept. 26, SM Lucena sa Oct. 9, at sa Market! Market! sa Oct. 29.