MANILA, Philippines - Ang Minute to Win It ay isang prime time NBC game show na ang host ay si Guy Fieri na unang umere noong March 14, 2010.
Ang contestant dito ay bibigyan ng blueprint para sa unang challenge at kailangang makumpleto ang challenge within 60 seconds para manalo ng $1,000 at makarating sa next level.
Matapos magawa ng contestant ang first, fifth at eight level challenges, sigurado na siya sa cash na premyo.
Pahirap nang pahirap ang challenges habang tumatagal ang laro.
At kung maubusan ng oras at hindi makasunod sa kondisyon ng challenge, halimbawa na-foul ang contestant, puwede siyang humingi ng tulong. At kung maubos na ang tatlong tulong na kasama sa laro, tapos na ang laro at babalik ang contestant sa dati niyang level.
At kung makukumpleto niya ang task, puwede nang iuwi ng kasali ang perang napanalunan niya bago ang blueprint para sa next level.
Noong first season, $50,000 ang safe haven at ang mga players na na-eliminate sa laro bago makumpleto ang level five challenge at walang naiuwi.
Ang Minute To Win ay mapapanood ngayon sa SolarTV.
Isyu ng family planning tatalakayin ni Jing
Sa kabila ng pagtutol ng simbahan sa pagpapatupad ng batas para sa family planning, hindi maikakaila ang malaking epekto ng kawalan nito sa lipunan.
Ngayong Martes (Setyembre 21), tunghayan ang mga kuwento nina Aling Suzet at Aling Eden na magkaiba ang pananaw sa family planning at magkaiba rin ang estado ng pamilya ngayon.
Si Aling Suzet, binigyang halaga ang family planning at maski hirap ay naipagkakasya naman ang kita at oras sa dalawang anak. Si Aling Eden naman ay naghihirap sa dami ng bibig na pakakainin matapos libanin ang pagpaplano ng pamilya.
Tatalakayin ni Jing Castañeda ang bawat aspeto ng pagpaplano ng pamilya at ang kahalagahan ng suporta at partisipasyon ng gobyerno dito ngayong gabi sa The Correspondents, pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN.