TRUE: Isa sa pinakamasaya sa pagpapakasal nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez ay ang dating asawa ng aktor na si Liezel Sicangco.
“Congratulations! Hahaha! Sana magka-baby kayo agad para sa akin na si Alih,” mensahe ng ex-wife kina Robin at Mariel.
Ang payo pa niya kay Mariel ay huwag na huwag itong tumingin sa ibang lalaki kahit sa kapatid o pinsan ni Binoe dahil sobrang seloso ang aktor at ang gusto nito ay sa kanya lang nakatingin ang kanyang asawa.
“Sana ganun din si Robin, kay Mariel lang siya nakatingin, huwag na sa iba,” dagdag pang pahayag ni Liezel na naghihintay na sa Australia para sa pagbabalik ng kanyang bunsong anak na si Alih.
TANONG: Buntis na nga kaya si Angelu de Leon kaya biglaan ang pagpapakasal nito sa non-showbiz boyfriend niyang si Wowie Rivera?
Mariin itong itinatanggi ng aktres nang mag-guest sa Startalk nung isang araw.
Sa apat na taon ng kanilang relasyon, napagkasunduan na nilang magpakasal at ang original plan nga sana nila ay sa Europe magpakasal pero mukhang nabago na ang mga plano.
Baka mag-honeymoon na sila sa Europe bago matapos ang taong ito.
TOTOO KAYANG magkasamang nagpamasahe ang dalawang male celebrity sa isang spa na madalas na paboritong masahian din ng mga bading?
Namataan ng aming source na magkasama silang nagpamasahe sa couple’s room. Si male celebrity na magaling kumanta ay lalaking masahista ang kinuha. Si male celebrity naman na magaling umarte ay girl ang ginetlak pero tili nang tili itong si aktor na parang nakikiliti sa mga hagod ng babaeng masahista.
TSIKA LANG: Ngayong linggo ay puwede nang bumalik sa taping sa Endless Love si Dingdong Dantes pagkatapos niyang ma-confine sa St. Luke’s Hospital ng ilang araw.
Nagkaroon ang aktor ng systemic viral infection na parang dengue rin ang mga symptoms. Kaya pagkalabas ng hospital ay pinapagpahinga muna ito ng doktor para bumalik ang dating lakas at medyo tumaba ng konti.
Text ni Dingdong nang lumabas ng hospital: “Resting na lang. I was told to resume work next week so that I can fully recover. When I get back on track, I’m good for another three years to rock and roll!”