Nagtapos na last Friday ang soap ng aktres na ito, puwede na siguro nitong aminin na buntis siya para hindi na nahihirapan ang press sa pagba-blind item sa kanya at sa kanyang kondisyon. Saka hindi ba dapat na ’pag buntis ka, ipagmalaki mo dahil gift ang baby sa dalawang taong nagmamahalan?
Non-showbiz ang BF ng aktres at ama ng kanyang ipinagbubuntis at kundi kami nagkakamali’y matagal na niya itong nobyo. Hindi lang mahilig umeksena ang lalaki, kaya konti lang ang nakakakilala sa kanya.
Ang clue sa preggy aktres? May letter B sa name niya at bahala na kayong manghula kung Kapamilya, Kapatid o Kapuso ba siya?
* * *
Mukhang matagal pa bago muling magtambal ang magka-loveteam na sina Aljur Abrenica at Kris Bernal dahil kay Rhian Ramos ipinareha ang aktor sa Ilumina. Posible ring ipareha siya kay Gwen Zamora in his next soap dahil may mga kinilig sa inamin ng dalaga na crush niya ang aktor at okay sa kanila kung sila’y pagtambalin.
Si Kris naman ay kay StarStruck V Ultimate male winner Steven Silva ipapareha sa next soap niyang pinamagatang Koreana. Malapit na ang taping ng dalawa kung totoong ang soap ang ipapalit sa Trudis Liit na magtatapos sa October.
Big break kay Steven ang Koreana, bukod pa sa bagay sa kanya dahil sa mala-Koreano niyang hitsura. Kaya lang, paano na si Sarah Lahbati at Diva Montelaba ’pag nag-click ang tambalan nina Kris at Steven?
Ang dalawa na lang ang wala pang soap sa winners ng StarStruck V.
* * *
Dalawa na ang shows ng magka-loveteam na Carl Guevarra at Jennica Garcia sa GMA 7 dahil bukod sa Jejemom, magkapareha rin sila sa Bantatay na mapapanood na starting Monday bago ang 24 Oras.
Masayang naging Kapuso si Carl dahil seven months pa lang siya sa Channel 7, five shows na ang nagawa niya at lahat maganda. Okay sa kanya ang title na “the next Wendell Ramos” dahil idolo niya ang seksing aktor at mabait ito sa kanya.
Samantala, na-explain ni Carl kung bakit nagpasilip siya ng puwet sa Cosmo Bash. Wala na kasi siyang maisip na gimik sa kanyang pagrampa dahil lahat ng gimik ay ginawa na ng mga nauna sa kanya. Naisip niyang ipakita ang kalahati ng kanyang puwet na pinalakpakan ng mga tao.
Pasalamat itong malayo sa stage ang puwesto ng ina dahil kung nagkataong malapit, mako-conscious siya. Walang underwear si Carl that night.
* * *
Hindi na mapapanood na magkasama sa isang TV show ang controversial actress (CA) at young actress (YA) na produkto ng reality show kahit nasa iisang network sila. Ayaw ng manager ni CA na isama ang talent kay YA dahil hindi makalimutan ang pagtataray nito dati.
Nang magkasama ang dalawang aktres sa isang soap, buong kayabangang nag-dialogue si YA na kaya nagre-rate ang show nila ni CA dahil sa kanya dahil siya ang pinakasikat sa grupo. Narinig ’yun ni CA, pero hindi na kinontra at isinumbong na lang sa kanyang manager. Mula noon, galit na ang manager kay YA.
Ayaw lang makarma ng manager pero gusto niyang ipamukha sa young actress na mas sikat sa kanya ngayon ang alagang controversial actress dahil sunud-sunod ang TV projects at hataw din sa pelikula at endorsement.