^

PSN Showbiz

Young actress B ayaw pang umaming buntis!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Nagtapos na last Friday ang soap ng aktres na ito, puwede na siguro nitong aminin na buntis siya para hindi na nahi­hirapan ang press sa pagba-blind item sa kanya at sa kanyang kondisyon. Saka hindi ba dapat na ’pag buntis ka, ipagmalaki mo dahil gift ang baby sa dalawang taong nag­ma­mahalan?

Non-showbiz ang BF ng aktres at ama ng kan­yang ipinagbubuntis at kun­di kami nagka­kamali’y matagal na niya itong nobyo. Hindi lang mahilig umek­sena ang lalaki, kaya konti lang ang naka­kakilala sa kanya.

Ang clue sa preggy aktres? May letter B sa name niya at bahala na kayong manghula kung Kapamilya, Kapatid o Kapuso ba siya?

*    *    *

Mukhang matagal pa bago muling magtambal ang magka-loveteam na sina Aljur Abrenica at Kris Bernal dahil kay Rhian Ramos ipinareha ang ak­tor sa Ilumina. Posible ring ipareha siya kay Gwen Zamora in his next soap dahil may mga kinilig sa inamin ng dalaga na crush niya ang aktor at okay sa kanila kung sila’y pagtambalin.

Si Kris naman ay kay StarStruck V Ultimate male winner Steven Silva ipa­­pareha sa next soap niyang pinamagatang Koreana. Malapit na ang taping ng dalawa kung totoong ang soap ang ipapalit sa Trudis Liit na mag­ta­tapos sa October.

Big break kay Steven ang Koreana, bukod pa sa bagay sa kanya dahil sa mala-Koreano niyang hitsura. Kaya lang, paano na si Sarah Lahbati at Diva Mon­telaba ’pag nag-click ang tambalan nina Kris at Steven?

Ang dalawa na lang ang wala pang soap sa winners ng StarStruck V.

*    *    *

Dalawa na ang shows ng magka-loveteam na Carl Guevarra at Jennica Gar­cia sa GMA 7 dahil bu­kod sa Jejemom, mag­ka­pareha rin sila sa Ban­tatay na mapapanood na starting Monday bago ang 24 Oras. 

Masayang naging Kapuso si Carl dahil seven months pa lang siya sa Channel 7, five shows na ang nagawa niya at lahat maganda. Okay sa kan­ya ang title na “the next Wendell Ramos” dahil ido­lo niya ang seksing aktor at mabait ito sa kanya.

Samantala, na-explain ni Carl kung bakit nag­pasilip siya ng puwet sa Cosmo Bash. Wala na kasi siyang maisip na gimik sa kanyang pagrampa dahil lahat ng gimik ay ginawa na ng mga nauna sa kanya. Naisip niyang ipakita ang kalahati ng kan­­yang puwet na pinalakpakan ng mga tao.

Pasalamat itong malayo sa stage ang puwesto ng ina dahil kung nagkataong malapit, mako-conscious siya. Walang underwear si Carl that night.

*    *    *

Hindi na mapapanood na magkasama sa isang TV show ang controversial actress (CA) at young actress (YA) na produkto ng reality show kahit nasa iisang network sila. Ayaw ng manager ni CA na isa­ma ang talent kay YA dahil hindi makalimu­tan ang pagtataray nito dati.

Nang magkasama ang dalawang aktres sa isang soap, buong kayabangang nag-dialogue si YA na kaya nagre-rate ang show nila ni CA dahil sa kanya dahil siya ang pinakasikat sa grupo. Na­ri­nig ’yun ni CA, pero hindi na kinontra at isinum­bong na lang sa kanyang manager. Mula noon, galit na ang manager kay YA.

Ayaw lang makarma ng manager pero gusto niyang ipamukha sa young actress na mas sikat sa kanya ngayon ang alagang controversial ac­tress dahil sunud-sunod ang TV projects at hataw din sa pelikula at endorsement.

ALJUR ABRENICA

AYAW

CARL GUEVARRA

COSMO BASH

DAHIL

DIVA MON

GWEN ZAMORA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with