Lola ni Mariel todo iyak sa kasal nila ni Robin

MANILA, Philippines - Marami na palang nagrereklamong artista laban sa isang talk show.

Nagrereklamo raw dahil kadalasan, imbento at paninira lang ang issue na ibinabato sa kanila (ilang artista).

Kaya nga naalarma raw ang manager ng ilang artista na nabibiktima ng maling mga kuwento.

Kahit daw kasi kuwentong kutsero ay pinapatulan ng isang host ng prog­rama.

At kahit daw make up artist ay hinihingan ng kuwento o blind item ng writer ng talk show.

*    *    *

Pati lola ni Mariel Rodriguez grabe ang iyak kahapon sa Entertainment Live  tungkol sa biglaang pagpapakasal ng kanyang apo kay Robin Padilla.

Kahit si lola ay nabilisan sa mga pangyayari at sana raw ay maging masaya sila habang-buhay at sana ay alagaan ang apo dahil sila raw ang unang masasaktan kung pababayaan ito ng aktor.

Ang lolo naman ni Mariel ay naghihintay ng kasal sa simbahan matapos mapabalitang kasal na sila sa India at dalawa pang kasalan sa Bagiuo.

Pero biglang nag-iba na ng statement si Robin dahil nag-alsa ang mga Kapatid niyang Muslim bukod pa sa kino-question ang legalidad ng nasabing kasalan.

Ayon sa aktor, sa interview ng TV Patrol, hindi kasal ang naganap sa tribu Ibaloi na naunang kinumpirma ng mambunong, o pari sa nasabing tribu.

Ano ba talaga kuya?

Kasal na ba kayo o hindi?

Wala namang masama.

‘Yun nga lang. Inaakusahan na siya na kesyo nag-convert lang naman siya sa Muslim para makapag-asawa ng marami.

I doubt it naman. ‘Di naman siguro.

Kilalang tagasunod ni Alah si Robin at ginagawa niya ang isang tungkulin bilang isang Islam kaya malabo namang totoo ang ganung akusasyon.

*    *    *

Mahilig daw talaga sa Manny si Willie Revillame. Alam niya kung sinong ‘pakikinabangan.’

Andiyan daw si Manny Villar at si Manny Pangilinan naman ngayon.

Obserbasyon ng iba, parehong mapepera ang dinidikitan ng TV host na pinagbabayad ng ABS-CBN ng halos kalahating bilyong piso sa paglabag sa kontrata sa kanila.

Show comments