Melai ayaw manahin ang trono ni Maricel Soriano

Ikatlong pagkakataon nang mai-encounter ng ma­nonood ang alien na si Kokey. Una ay sa pe­li­ku­la, 13 years ago na kung saan naging best­friend niya ang bata pang si Carlo Aquino. Maka­raan ang 10 taon, nagbalik siya sa ating television screen, via a serye na nagtampok kina Joshua Ca­de­lina, Zan­joe Marudo, Nova Villa, Eugene Domingo, Ruffa Gutierrez at ang namayapa nang si Redford White.

Muli nagbabalik si Kokey sa pangatlong pag­ka­ta­on para hanapin ang kanyang kapatid na si Ke­kay. Hindi si Kekay ang Ako sa Kokey at Ako kundi si Toni Gonzaga na ang mga magu­lang ay kinu­ha ng mga aliens nung bata pa siya kaya naging misyon na niya ang paghahanap ng mga extra terrestrial sa pag-asang makita rin ang kanyang mga mahal sa buhay.

Kasama rin sa serye si Vhong Navarro, ga­nun­din ang tambalan nila Melai Cantiveros at Ja­son Fran­cisco. Kahit mas maraming proyekto ang una, natutuwa na si Jason na nagkakasama pa rin sila ng kanyang girlfriend of seven months.

Dahil bagong artista, enjoy si Melai kay Toni.

“Ang bilis niyang mag-memorize, walang ka­hirap-hirap samantalang ako hirap na hirap, minsan nga naka­­kalimutan ko ang linya ko,” anang PBB grand win­ner na umaming hindi niya napanood ang pelikula maging ang TV series ni Kokey.

“Kilala ko siya, hindi nga lang ako ang nanonood sa kanya nun kundi ang mga pamangkin ko,” sabi niya.

Sinabi naman ni Jason na hindi siya mahilig ma­no­od ng TV. At kahit nanonood man siya, hindi niya panonoorin ang Kokey dahil pang kids lang daw ‘yun.

“First time ko silang makatrabahong dalawa pero matagal ko na silang kakilala dahil hindi ba isa ako sa mga host ng PBB? Pero kahit baguhan sila, ma­ga­­ling silang magpatawa. Enjoy nga ako sa ka­nila, lalo na si Melai. Hindi nagbago ang kanilang ugali, ganun pa rin sila. Pinapayuhan ko nga sila na huwag magbabago. At dapat ihiwalay nila ang relasyon nila sa kanilang pagiging artista,” sabi ni Toni.

May karapatan namang magbigay ng payo si Toni sa dalawa. Bukod sa nauna siyang mag-artista sa ka­­nila, tahimik din at smooth ang kanyang lovelife. Ta­­li­was sa palaging parang pag-aaway ng dalawa. Hindi rin sigurado si Toni na baka ang biglang kasi­ka­tan ng dalawa ay hindi pa nila nagagamayan at mag­­­lagay ng hangin sa kanilang mga ulo. Lalo na si Melai na ang kauna-unahang serye sa TV, ang Inday Bote ay balitang nag-top sa rating nung unang linggo ng pagpapalabas nito.

* * *

Excited naman si Melai dahil any day now ay dara­ting na ang kanyang bagong sasakyan. Bahay la­mang ang napanalunan niya sa PBB, walang kotse. ‘Yung cash na premyo niya ay maraming kinapun­tahan. Hindi niya ginastos lahat, inilagay niya sa bang­ko para may madudukot naman siya kung saka-sakali.

“Ngayon kailangang magsipag dahil babayaran ko ang kotse buwan-buwan. Kung hindi lang kai­langan sa trabaho ko, hindi naman ako bibili noh. Ang mahal-mahal yata nun,” sabi niya sa mas­ya­dong mabilis na pagsasalita kaya hindi ako sure kung tama ‘yung narinig ko. Ang malinaw lamang na narinig ko ay ‘oberrrrr’.

Tinatawag si Melai ngayon na Bagong Maricel (Soriano) pero tigas agad ang pagtanggi niya. Na­hi­hiya rin siyang marinig na pinanood siya sa Inday Bote, ang role at pelikula na unang pinasikat ng Dia­mond Star.

May isa pang tawag sa kanya, Little Princess of Comedy. Ang princess kasi ay si Pokwang.

 “Ayaw ko ng title-title, trabaho lang ‘yung ginagawa ko. Nakakahiya,” sabi niya.

* * *

Wala ring paki si Jason sa kung anumang kasi­katang tinatamasa nila ngayon ng kanyang girl­friend. Ang importante nagkakasama pa rin sila. Ma­saya na siya na nagkikita sila. Nang tanungin siya kung ano sa inaakala niya ang dahilan ng ka­­sikatan nila ni Melai, sinabi niyang : “Hindi lang kami loveteam sa screen, totoo kaming loveteam. Dahil nga rito minsan, naaa­pektuhan ang trabaho namin, nakakaramdam kami ng pressure.

“Ang bilis ng pangyayari, para kaming nasa isla na minsan nangangapa ng aming gagawin, ‘di namin alam kung ano na ang nangyayari. Minsan sa halip na makatulong na mapadali ang lahat, na­pa­pahirap pa ni Melai dahil selos siya nang se­los. Hindi ko na lang siya pina­pansin madalas. Binibigyan ko na lang ng katu­wiran ang kasungitan niya. Sabi ko baka may bu­wa­nang dalaw o kaya pagod. Ang importante, hindi naman siya nag­ba­bago, madaldal pa rin siya.”

Handa na ba siya kung sakali mang maghi­walay sila?

 “Aaminin ko na kapag wala siya, hindi ako ma­kakilos. Pero kung talagang mawawalan kami ng projects na magkasama, susuportahan ko na lang siya,” sabi niya.

Umalis na si Jason sa condo na tinitirhan niya.

 “Masyadong mahal ang upa, P15,000. Naka­kita ako ng townhouse na mas mura P8,500 lang. Nag-iipon kasi ako. Ang dami kong utang na bina­bayaran, tapos may dalawa pa akong kapatid na pi­na­­pag-aral,” anang dati ay probinsyano pero kahit nahihirapan ay unti-unti nang nakaka-adjust sa buhay sa Maynila

Show comments