Shaina hindi tinumba ng tsismis!

Matapos siyang magsalita tungkol sa napakahalay na isyu na  lumilibot hindi lamang sa ating entertainment scene kundi maging sa lahat ng sulok ng bansa at maging sa ibang bansa, salamat sa mga Filipino channels na tinatangkilik ng ating mga kababayan sa abroad, tinapos na ni Shaina Magdayao during presscon of her bold series, Alynna, ang isyu na kinasangkutan nila ni John Lloyd Cruz.

Sinabi niya na hindi sila pupunta ng ospital kung totoo ito dahil artista sila, kilala ng maraming tao. Nagtataka lamang siya sa motibo ng nagpakalat nito, naniniwala siya na magagawa ito ng isang may diprensiya sa isip.

Hanga ako kay Shaina dahil hindi siya tinumba ng tsismis. Naging matapang pa siya at suwerte niya dahil nang lumabas ito, mas pokado siya sa kanyang serye kaya siguro hindi niya napagtuunan ng husto ang tsismis.

* * *

Ewan ko, pero ako nagagandahan sa Grazilda. Magaling din palang bida si Glaiza de Castro, hindi pilit ang kabaitan niya, nakikita ang sincerity niya. Kaya pala ang daming may gusto sa kanya, nagmamahal dahil sa kabila nang matagal na siyang artista at may inabot din naman, she has stayed humble and sweet.

Gusto mo tuloy ipagpatuloy ang panonood sa kanya, if only to see na masusustina niya ang kanyang kabaitan o baka sa isang pagkakataon na hindi niya mapipigilan ay lumabas ang pagka-kontrabida niya. Babantayan ko ito. Glaiza.

* * *

Hindi lang sa pag-arte hahangaan mo si Sid Lucero, napaka-articulate din niya, mapa-English man o Tagalog, madali niyang maitawid ang anumang gusto niyang sabihin. Isa ito sa mga katangian ng mga magkakamag-anak na Eigenmanns, lumaki silang marurunong, hindi mayabang at nagmamahalan.

Isa pang katangian nila ay nagtutulungan sila at hindi hadlang ang pagkakaroon nila ng magkakaibang ina para hindi sila magkasundo-sundo.

I’m sure proud sa kanila sina Lolo Eddie Mesa at lola Rosemarie Gil.

* * *

Natapos na ang Langit Sa Piling Mo. Makakapagpahinga na si Mark Herras. Maganda yung wedding scene nila sa airport kahit halata ang pagka-haggard ni Mark. Hindi naitago ng suot niyang suit ang pagkahulog ng kanyang katawan.

Let’s just hope na may maidulot na maganda ang gagawin niyang pamamahinga. At saka, yamang tapos na ang Langit… , sana magtanggal na siya ng bigote at goatee. Hindi bagay sa kanya. Tumapang lang ang mukha niya! I’m sure gusto lang nilang magkaroon siya ng ibang character pero hindi ako nabagayan sa pagpapatubo niya ng bigote at goatee. Hindi talaga!

Show comments