Cogie idinenay si Keanna, 'We're just friends'

Sabi ni Cogie Do­min­go, tuluy-tuloy na ang pag­su-showbiz niya at sa tulong ng manager niyang si Noel Ferrer, sunud-sunod ang kanyang projects. Bida sila ni Sid Lucero sa Muli na sina­sabing “the best al­ter­native love story of the season” sa direksiyon ni Adolf Alix, Jr.

Showing na ito sa Sept. 22, R-18, pero approved without cuts ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Na­na­long second place sa 2009 Palanca Literary Awards ang screen­play ni Jerry Gracio at pro­duced ng MJM Production ni Edgar Mangahas.

Inokray ng press si Cogie dahil mas magaling daw ang acting ni Sid kesa sa kanya sa pelikula, pero ’di ito na-offend dahil nagandahan din siya sa acting ng co-star na gaya niya’y gaganap ding bading sa na­banggit na pelikula.

Sa ibinulgar ni Keanna Reeves na nagkaroon sila ng one-night stand affair, komento ni Cogie, “We’re just friends” ang sagot ni Cogie at ’di totoong ipi­nag­lu­lu­to niya ito dahil hindi siya marunong magluto. Na­tuwa siya nang mapanood niya ito sa Pinoy Big Bro­ther (PBB).

Kasama rin si Cogie sa Inday Wanda ng TV5 at Unitel Films at may reunion sila ni Eddie Garcia sa dra­ma-suspense movie na Sentensiyado to be directed pa rin ni Adolf.

* * *

Aabangan namin ang bagong cinema plug ng GMA 7 sa mga sinehang paglalabasan ng entries sa 2010 Metro Manila Film Festival dahil maku­kum­pirma ang mga bagong shows ng network.

Anim na bagong shows ang kasama sa cinema plug at kabilang ang Captain Barbell ni Richard Gu­tier­rez, ang Pinoy adaptation ng Coffee Prince na unang nabalitang pagtatambalan nina Carla Abel­lana at Dennis Trillo, Dwarfina na hindi pa alam ang bida, ang epic serye ni Marian Rivera na ang unang balita’y Sultana ang title na naging Crysa, at soap ni Claudine Barretto at isa pang soap na hindi pa namin alam kung para kanino.

Show comments