Napakaaga pa ng kanyang career para magkaroon ng attitude problem si Andi Eiegenmann. Nakatutuwa nga na nagawa niyang maging pasensiyosa habang hinihihintay na masimulan niya nun ang Agua Bendita.
Medyo natagalan pa ang pagpasok niya dahil kinagat ng mga manonood ang batang gumanap ng role ng mga batang Agua at Bendita noon.
Baka nga kung hindi pa nagtaray ang nanay niyang si Jaclyn Jose ay matatagalan pa bago magdalaga sina Agua at Bendita.
Nang unang ma-extend ang series, pumayag si Andi pero nang hilingan siya ng another extension ay tumanggi na dahil napapagod na raw siya. Ngayong tapos na ang serye ay saka naman naglalabasan ’yung mga balitang napakahirap pala niyang i-manage. Ewan ko kung totoo na nagpi-primadonna ito at kinukunsinti pa ng ina? Tsk!
Sana naman tsismis lang ito. Sayang naman kung totoo dahil may promise si Andi. Malaki pa ang lalakbayin ng career niya pero sigurado na ang pagsikat niya.
Ngayon ay may mga lumalabas na hindi magagandang kuwento tungkol sa kanya, aba, baka mabantilawan pa siya!
Dapat ayusin nila ito ni Jaclyn. Sasayangin ba nila ang magandang nasimulan niya? ’Yun namang attitude problem, nababago, for the better.
* * *
Kawawa naman sina Raymart Santiago at Claudine Barretto kung maghihiwalay sila dahil sa hindi magagandang balita na kinasangkutan ni Claudine. Ganun ba kababaw at karupok ang relasyon nila, na sa kaunting dagok ay bibigay sila agad? Sana hindi.
Pero sa presscon ng Bantatay na kung saan ay tampok si Raymart, itinanggi niya ang balita. Kahit pinakiusapan ang lahat na huwag magtanong sa kanya tungkol sa isyu kina Claudine at Angelica Panganiban, hindi rin siya nakaiwas na matanong tungkol dito. Sinabi lamang niya na nasabi na niya ang kailangan niyang sabihin, suportado niya ang asawa, ito ang pinaniniwalaan niya at hindi ibang tao. Hindi rin totoong naghiwalay sila o maghihiwalay dahil lang sa nangyari.
Oo naman, mas malalaking pagsubok na ang nalampasan nila, ngayon pa ba kayo bibigay?