Pero may utang pa, Jewel gusto nang kumalas sa Siete

TRUE : Nagpapa-release na si Jewel Mische sa kanyang kontrata sa GMA 7 kaya nakipag-meeting na ito sa ABS-CBN.

Hanggang 2012 pa ang kontrata ng young actress at gusto na nitong i-release siya kaya nagpadala ng sulat ang abogado nito.

Ipinasa na lang ng GMA Artist Center (GMAAC) sa kanilang abogado at wala pa silang masasagot kung iri-release ito ng Kapuso Network.

May mga payables pa si Jewel sa GMAAC na kailangang i-settle kaya wala pang linaw kung mabibigyan ito ng release paper.

TANONG : Ang laki ng epekto sa mga celebrity castaway nang pagsali nila sa Survivor Philippines: Celebrity Showdown.

Ang isang sobrang apektado ay si Doc Ferds Recio na hanggang ngayon ay dinidibdib ang maaga niyang pagkatanggal dahil marami pa sana siyang gustong patunayan sa nasabing reality show.

Si Buhawi Meneses ng Parokya ni Edgar ay upset din dahil marami ang galit sa kanya ngayon dahil sa mali niyang desisyon.          

Si Mico Aytona naman ay umalis na sa po­der ng mommy niya at bumukod na ito ng tirahan. Feeling kasi nito ay kaya na niyang mamuhay mag-isa na hindi na kailangang umasa sa kanyang mga magulang.

Nabigla ang mommy nito sa malaki niyang pagbabago pagdating galing Survivor taping sa Thailand.

TOTOO KAYANG tuluyan nang iiwan ni Mr. Fu ang Tweetbiz? Dati ay itinatanggi pa ng QTV 11 ang tungkol sa pag-alis ni Mr. Fu sa naturang showbiz-oriented talk show. Pero ngayon ay may malaking pagbabago sa mga desisyon.

Abangan mamayang gabi sa QTV 11 kung ito na nga ba ang huling episode ni Mr. Fu sa Tweetbiz.

TSIKA LANG : Pagkatapos mapanood ni Cogie Domingo ang ginawa niyang indie movie na Muli, isinumpa nitong hindi na siya gagawa uli ng ganung klaseng pelikula na kung saan todong nakipaglaplapan siya sa kapwa lalaki.

Pero pagkatapos niyang nakatanggap ng mga papuri sa pagkaganap bilang abogadong bading sa Muli, nagbago ang desisyon niya.

Gusto na niyang gawin itong muli.

Okay din siya sa frontal nudity kung talagang maganda ang material at kailangan sa kuwento.

Ipalalabas na sa commercial theater ang Muli sa Sept. 22 na walang cuts, kaya tiyak na matutuwa ang mga bading sa mga laplapan at maiinit na love scenes nina Sid Lucero at Cogie.

          

Show comments