Twitter account ni Annabelle Rama na-hack!

Seen : Tila hindi interesado si Raffy Tulfo na makipag-usap kahapon sa entertainment writers sa presscon ng TV5  dahil mas binigyan niya ng importansiya ang kausap niya sa cellphone.

Seen : AnnabelleRama2 ang bagong Twitter account name ni Annabelle Rama dahil na-hack ang kanyang unang Twitter account.

Scene : Sablay ang mga pagpapatawa ni Sid Lucero sa presscon kahapon ng Alyna. Hindi natawa ang mga reporter sa kanyang mga one-liner at pagsagot sa mga tanong na hindi para sa kanya.

Seen : Magkasama sina Kaye Abad at Shaina Magdayao sa Alyna. Si Kaye ang girlfriend ni John Lloyd Cruz ten years ago at si Shaina ang current girlfriend ng aktor.

Scene : Pinalitan ang Belo billboard nina Zsa Zsa Padilla at Karylle dahil nakarehistro sa ibang kompanya ang tagline na “ Age is just a number.”

Seen : Nag-seminar na si Maggie Wilson at ang kanyang fiancee na si Victor Consunji sa simbahan para sa kanilang church wedding sa November. Required na mag-seminar ang mga ikakasal sa Catholic Church.

Show comments