Shaina pumayag nang mabuntis

MANILA, Philippines - “No hindi po totoo ‘yun. Nakakalungkot lang kung saan nila nakukuha ‘yun. It is the most outrageous na kuwento sa industriya. Mahilig siguro silang manood ng Grey’s Anatomy. Walang ka-sense-sense ang kuwentong ‘yan. Hindi namin gagawin ‘yun. Kung ‘yung ordinaryong tao, hindi gagawin ‘yun kami pa na alam naman naming public figure kami,” sagot ni Shaina Magdayao kahapon sa presscon ng Precious Heart Romances Presents Alyna sa walang katapusang isyu na ‘na-stuck’ ang boyfriend niyang si John Lloyd sa ‘kanya’ after nilang mag-make love. Dinala raw sila sa Medical City Hospital dahil nag-panic sa nangyari. Isang OB Gyne raw na nag-inject ng pampa-relax kay Shaina para ma-release ang penis ng aktor.

Masyadong parang imbento, pero alam mo ‘yun kahit anong denial at paliwanag, maraming interesadong marinig ang kuwento. Tuloy ang running joke ngayon : ‘walang bunutan.’

Hanggang umabot sa parang pinaglalaruan na ang issue.

Actually, mukhang hindi naman apektado sa malalang kuwento ang bunsong kapatid ni Vina Morales sa nasabing presscon. Parang mas kinakabahan siya sa magiging pagtanggap ng audience sa kauna-unahan niyang pagbibida sa ABS-CBN. Though sinasabi ni Shaina na ito na ang pinaka-nakakadiring tsismis na kinasangkutan niya simula nang maging artista siya.

Maging si John Lloyd daw ay nasa-shock sa mga naglalabasang kuwento.

Nasabay sa pagpapalabas ng Alyna ang nasabing issue kaya mas lalong uminit ang kuwento.

Samantala, sa Alyna, bumigay na si Shaina. Daring kung daring at pumayag pa siyang mabuntis dito na first time niyang ginawa. Pero hindi naman daw bastos ang kinalabasan.

Sa direksyon ni FM Reyes, magsisimula ang PHR Presents Alyna simula Lunes, September 20, pagkatapos ng Rosalka sa Hapontastic ng ABS-CBN.

* * *

Totoo. Kasal na sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez sa pamamagitan ng Ibaloi Rites ayon sa report ng TV Patrol.

Naganap ang kasalan sa Baguio sa isa at simpleng pribadong seremonya ng mambunong ng Ibaloi Tribe ayon sa report ng ABS-CBN.com.

Si Jimmy Ong ang nagbasbas sa isa’t kalahating oras na seremonya na naganap noon pang Lunes, September 13, 3:00 p.m.

Isang Igorot ang nanay ni Robin.

“Tinanong ko si Robin kung kasal talaga ito. Sabi niya, ‘Oo, kasal talaga.’ Kaya sinimulan ko na,” kuwento ni Mr. Ong sa ABS-CBN.

Pagkatapos ng kasal sa tribu, hindi pa sila nasiyahan nagpakasal pa uli sila sa isang pastor na ginanap sa isang pribadong bahay ayon pa sa report.

Show comments