Guwardyado si Raymart Santiago ng mga taga-GMA 7 sa presscon ng Bantatay at ready na mangalabit ang mga taga-Corp Com sa press na magtatanong sa actor sa isyu nina Claudine Barretto at Angelica Panganiban. Pero hindi na kailangang bantayan ang actor dahil kundi “no comment” “next question please” ang sagot sa mga tanong.
Ise-segue sana namin na kaya maaliwalas ang mukha niya dahil nalabas niya ang saloobin sa official statement na ibinigay, pero nag-smile lang ito. Ang sinagot lang nito’y ang na-blind item na tinawagan niya si Angelica at “not true ang blind item na ‘yun” lang ang sagot.
Sa sinabi ng press na mahal siya ng Channel 7 dahil may Bantatay siya, ang sabi’y mahal din niya ang home studio niya. Nagulat din daw siya na may kasunod agad siyang project at kasama pa si Gelli de Belen na 21 years ago pa niya nang last nakatrabaho.
May three pet dogs si Raymart, kaya hindi nahirapan, although mahirap daw ka-eksena ang Labrador na si Charlie na gumaganap na Bantay.
Sa Monday, bago ang 24 Oras ang pilot nito sa direction ni Don Michael Perez.
* * *
Gaya-gaya si John Mayer kay Charlene Gonzales na nag-quit sa Twitter dahil ipa-follow pa lang sana namin ang singer para makakuha ng balita sa concert niya rito sa October 1, in-announced last Monday ng kanyang representative na tigil na rin siya sa Twitter. Magre-recording daw ito ng new album, kaya iniwan ang 3.3 million followers.
Sa September 30 darating ng bansa si John Mayer for his Oct. 1 concert sa SM Mall of Asia Concert Grounds. Kaya lang, sobrang higpit ng management nito at nag-request ng no presscon at no TV plug.
Si Aiza Seguerra ang front act sa concert.
Tickets to the concert are at P6,400 (Gold), P4,000 (Silver), P1,600 (Bronze) at P633 (General Admission). Tickets are available at Ticketworld and Ticketnet and for premium tickets, call Channel [V] office at 929-2151.
* * *
Matutuwa ang fans ni Justin Bieber sa ibinalita ni Jomari Yllana na posibleng madala ng Fearless Productions at Metrocard Club dito ang sikat na Canadian singer dahil maganda ang business relationship nila kay Usher na nag-discover at record producer ng singer.
Kapag naging maganda ang negotiation, kundi pre-Valentine ay Valentine concert ang gagawin dito ni Bieber. Kaya mga fans, magdasal kayong matuloy ito at magsimula na ring mag-ipon dahil tiyak na madugo ang ticket.
* * *
Tatapusin na pala ng GMA7 ang Lovebug at ang episode nina Lovi Poe at Rocco Nacino ang last. Ibig sabihin, after Say I Do nina Lovi at Mark Anthony Fernandez, isusunod agad ang episode nila ni Rocco.
Isang bagong show with a new concept ang papalit sa Lovebug na sabi’y si Gina Alajar ang director. This Thursday na ang storycon ng show na wala pang title, pero ang loveteams pa rin nina Barbie Forteza at Joshua Dionisio, Derick Monasterio at Louise delos Reyes at Jake Vargas at Bea Binene ang mga bida.