MANILA, Philippines - Naloka pala si Annabelle Rama. Ang rason, inabot daw kasi ng 3:00 a.m ang taping nila sa Star Factor ng TV5.
Judge si Annabelle sa nasabing talent search ng Kapatid Network.
Ang ending daw, halos magtatanghali na itong nagising at hindi nakasimba ng umaga.
“Naloka-loka ang byuti ko at 3:00 a.m. na natapos ang taping namin ni iloveruffag (Ruffa Gutierrez) para sa Star Factor hindi tuloy makapag-tweet ang byuti ko. I’m sooo stress, kaya ayokong mag-artista dahil hindi ako sanay magtrabaho ng hanggang 3:00 a.m., hindi tuloy ako nakapagsimba kaninang umaga,” tweet ni tita Annabelle kahapon ng hapon.
* * *
Nagkaroon ng preview kahapon ang Buhos, isang documentary tungkol sa climate change na produced and presented by Sen. Loren Legarda.
Maiksi lang ang presentation pero nakakatakot dahil maaaring mangyari uli ang mga napanood sa nasabing docu na actual na kinunan ni Direk Brillante Mendoza na pinuntahan nila ni senadora.
“It had to take Ondoy, Pepeng and Basyang for us to realize that climate change is not just a scientific and environmental issue, but an all encompassing threat to our basic human rights – food, portable water, shelter, decent livelihood and life itself,” sabi ni Senator Loren after the preview na dinaluhan ng diplomatic corps, academe, student leaders, environmentalists, NGO’s and local government officials.
Aminado maging si Direk Brillante na malayo sa kamalayan niya ang climate change bago niya ginawa ang Buhos (Downpour).
In fact, nang una raw sabihin sa kanya ng senadora ang tungkol sa project, tinanong niya agad kung bakit climate change.
Pero biglang nagbago ang pananaw ng acclaimed Filipino filmmaker at 2009 Cannes best director.
Mas madaling maintindihan ang mga magiging epekto ng climate change sa buhay nating lahat sa nasabing docu.
Hindi ka magdadalawang isip kung paano ka makakatulong na isalba ang kapaligiran para sa kapakanan nating lahat.
Willing mag-distribute ng kopya ang kampo ni Sen. Legarda sa lahat particular na sa mga eskuwelahan.
Hindi rin nila ituturing na piracy ang gagawin ng sinumang magba-burn nito at ipamimigay.
Matutuwa pa nga raw siya kung may gagawa nun.
Bago ang Buhos, Legarda runs a nationwide awareness and education campaign on climate change.
She produced the docu-drama Ulan sa Tag-araw, children’s animation movie Ligtas Likas, and a United Nations documentary Now is the Time.
* * *
Nakakaawa naman si Shaina Magdayao. Lalong lumalala ang issue na - vaginismus - sa kanila ni John Lloyd Cruz.
Ang latest naman na issue ay nagkukuwento na raw ang OB Gyne na nag-inject kay Shaina nang pampakalma para mawala ang tightness sa vagina.
At ang the height, hindi naman daw sa St. Luke’s kundi sa Medical City sa Pasig, isang high end hospital din dinala ang dalawa.
Pati raw kasi secretary ng doctor, ay nagkukuwento tungkol sa nangyari. At ang dialogue pa raw ng isang doctor doon, “ang tingin ko pa naman kay Shaina, isang santa.”
Ang comment pa raw ng isang doctor, malamang na nataranta lang sina Shaina kaya naisipan nilang dumiretso sa hospital at hindi na lang nagpatawag ng OB Gyne.
Ang tingin din daw ng isang doctor, ‘first time’ ‘yun for Shaina kaya siguro raw sobrang ninerbiyos ang naramdaman nito kaya nagkaganun.
Ang gulo na ng kuwento. Sanga-sanga na.
Ang unang lumabas, sa St. Luke’s daw. Pero sa Medical City naman daw.
Sa hospital, inconsistent na ang issue kaya parang mahirap ngang paniwalaan kahit parang may basehan ang huling kuwento.
May presscon si Shaina sa Huwebes, para sa kanyang Precious Heart’s Presents Alyna kung saan siya ang bida at sana, once and for all ay magsalita na siya para matapos na ang malaswang kuwentong ito.
Siya ang kawawa rito, hindi si John Lloyd.