Coco mas tinitilian ng fans kesa kay Sam
Sina Billy/Jean, Vince, at Lando ay tatlong major characters sa bagong serye ng ABS-CBN na nagtatampok kina Sarah Geronimo, Sam Milby, at Coco Martin.
Masasabing humahatak na ng maraming manonood ang Idol dahil sa mall tour ni Sarah na ginagawa niya para sa promosyon ng Superstar, ang kauna-unahang online videoke nang nangunguna ring online gaming company, ang X-Play Online Games, Inc., umaagaw ng atensiyon ang malakas na pagsigaw ng mga manonood ng pangalan ng mga characters nina Sarah (Billy/Jean) at Coco (Lando) sa Idol at labis ang katuwaan ni Sarah bagaman at palagi niyang hinihiling na bigyan din ng pagkakataon si Vince (Sam) dahil maganda rin ang role na ginagampanan nito sa serye. May kilig lamang ang mga eksena ngayon nina Sarah at Coco dahil bago silang magkakilala at nawala muna sa eksena ang character ni Sam dahil sa pagbabago ng identity ni Sarah from Billy to Jean.
Medyo nagkakaroon ng confusion sa promosyon ng Superstar dahil associated ang pangalan kay Nora Aunor pero ang nagpo-promote ay ang Pop Princess na si Sarah nga.
Ang Superstar ay isang bagong online videoke game na ginawa para sa lahat ng mahilig kumanta ng may minus one at bibigyan ang pagkanta nila ng grade o rating ng computer. Walang kinakailangan ang isang gustong kumanta kundi isang mikropono na ikokonek sa computer. Ang kanta ay mapipili niya sa isang listahan na ginawa ng Superstar at maging ang mga lyrics nito.
Bahagi ng promosyon ng Superstar ang pagdaraos ng isang Superstar Online Star Search. Labinlimang finalists ang hahanapin para makasamang mag-perform ni Sarah ng live at makasama rin niyang mag-record ng isang album. May ginawa ng theme si Sarah para sa Superstar na pinamagatang This is My Dream. Lahat ng gustong sumali ay kinakailangang maglaro ng Superstar at gumawa ng score ng 20,000 mula sa isang kanta sa listahan. Kailangan din niyang pumasa sa mga auditions na gagawin sa mga malls at barangay.
May itinakdang apat na mall auditions sa mga Superstar kiosks sa buwang ito. Pumunta lamang ang mga interesado sa mga booth at kumanta. Tapos na ang ilang auditions sa mga SM malls na personal na dinaluhan ni Sarah at ng ilang miyembro ng entertainment media, tulad sa SM Dasma kahapon (Sept. 12), meron pa sa SM Sta. Mesa (Sept. 18), at SM Iloilo (Sept. 19). Pinagtatakhan ko lang kung bakit lahat ay pinakakanta ng acapella kesa gumamit ng minus ones at lyrics ng Superstar para makita na rin kung gaano ito kaepektibo at kadaling gamitin.
Ang major sponsor ng online star search, ang Coca-Cola, ang magpapatakbo ng pakontes sa mga barangay at mamamahagi ng mga Superstar game installers at ingame star cash ng libre para magabayan ang mga sasali.
Lahat ng mga impormasyon tungkol dito, check the website www.superstar.ph para sa lahat ng detalye.
* * *
Talagang mag-aaktibo na si Christian Bautista bilang paghahanda sa gagawin niyang pelikula sa Indonesia. Tampok siya sa isang nakaka-antig na kuwento ng Your Song Presents Beautiful Girl na makakapareha niya si Carmen Soo. Nagsimula na ito kahapon, Sept. 12, sa ABS-CBN, pagkatapos ng ASAP XV.
Ibang level na ang nararating ng Asian Pop Idol kasama ang Malaysian Sweetheart sa kanilang bagong proyekto sa ABS-CBN matapos sundan ang kanilang pagsasama sa music video ni Christian na Afraid For Love to Fade.
“I think the first thing that struck me about Christian, is that he’s such a gentleman and he’s a very nice guy. We share something in common and it’s fun working with him,” kuwento ng Malaysian actress tungkol sa kanyang leading man.
* * *
Wala namang pretension o pagkukunwari si Erich Gonzales sa pagsasabing pinakamalapit niyang kaibigang lalaki si Enchong Dee, na wala silang romansa, isang napakatapang na revelation sa panahong may ginawa silang movie na nakatakdang maipalabas, ang I Do.
Napakaganda ng chemistry ng dalawa sa boobtube kaya kahit hindi sila, aprub pa rin ang tao sa kanilang tambalan although lahat sila ay umaasam na someday soon ay maging totohanan ang relasyon nilang dalawa.
Hindi naman nagpabaya ang Star Cinema sa unang movie team-up nina Erich at Enchong. Bukod sa may magandang istoryang nakapaloob sa I Do, malakas din ang support cast nila sa movie – Pokwang, Dennis Padilla, Melai Cantiveros, Ricardo Cepeda, Isay Alvarez, Janus del Prado, atbp. Proper timing din ang showing ng pelikula, ipalalabas ito at a time na nag-i-enjoy ang lahat sa napakagandang role na ginagampanan ng dalawa sa Magkaribal. Kahit pinaka-bagets sila sa cast at maituturing na pinakabago, hindi sila napag-iwanan ng kanilang mga co-stars sa pag-arte. Also, ang kumanta ng theme song ay sina Yeng Constantino at Sam Milby. Wala na silang mahihiling pa, lahat ng tulong ay ipinagkaloob na sa kanila. Nasa kanila na kung susuportahan sila o hindi ng mga manonood.
* * *
Mukhang hindi na limitado kina Marian Rivera at Bela Padilla ang selosang nauwi sa awayan na nagsimula sa Endless Love. Mukhang aabot na rin ito sa korte dahil sasampahan na raw ng kaso ng mga magulang ng baguhang artista ang pambatong artista ng Kapuso Network dahil sa diumano’y ginawa nitong pangha-harass sa baguhan.
Si Claire dela Fuente, manager ni Bela, ang unang nagsalita para sa alaga na sinundan din ng pagko-kondena kay Marian ng ina ni Robin Padilla na sinasabing lola rin ng baguhang artista. Samantala, wala ni isa mang salita na nagbubuhay sa kampo ni Marian, mula sa kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes o maski na sa kanyang manager. Tila naghihintay sila ng tamang panahon para sagutin at bigyang linaw ang lahat ng kaguluhan.
Aabangan na lamang natin kung sino ang magso-sorry sa dalawa. Dapat kasi ay mayroon para maayos ang gulo. At sino man siya, siya ang may kasalanan dahil kung hindi bakit siya magso-sorry?
- Latest