Stef ipinagpalit ng BF sa ibang babae

Sina Andi Eigenmann, Carla Abellana, at Shai­­na Magdayao ang bida sa Shake, Rattle & Roll XII, one of the two entries of Regal Films to the 2010 Metro Manila Film Festival (MMFF). Na­pili na rin nina Mother Lily Mon­­teverde at Roselle Teo ang magdi­direk sa three episodes.

Si Andi ang bida sa Isla Engkanto epi­sode to be directed by Topel Lee. Si Carla ang bida sa Funeraria na si Jerold Tarog ang director at si Shai­na naman ang bida sa Manika episode sa direction ni Zoren Legaspi.

Hindi nabanggit sa amin ang kasama ni Andi sa Isla Engkanto, pero si Carla, ma­kakasama sina Sid Lucero na brother ni Geoff Eigenmann, Nash Aguas, at Ciara Sotto.

Join naman sa cast ng Manika episode sina Ricky Davao, Mart Escudero, at childstar na si Elijah na kasama sa Wachamakulit.

*    *    *

 Tuloy na this Monday ang shooting ng opening scene ng Mrs. Recto, ang first indie film na gaga­­­win ni Regine Velasquez sa direction ni Dante Garcia. Sa C.M. Recto Avenue overpass sa harap ng Isetann ang eksena, isa sa pina­ka­mataong lugar sa Recto at tiyak na dodoble pa ang tao ’pag nalamang nagsu-shooting si Songbird.

Isa ang indie film sa mga tatapusin ni Regine bago ang beach wedding nila ni Ogie Alca­sid at dahil may wedding gown na siya at ang fiancé ang in charge sa wedd­ing prepara­tion, hindi mas­yadong ma­ha-ha­rass si Regine sa pag-aasikaso sa kasal na sa isang island gaga­win.

Cute nga dahil eve­­­ry­time may bagong detalye sa wedding, si Ogie ang nag-a-an­nounce. Gaya ng kung sino ang mga kakanta sa kasal na kinabi­bila­ngan nina Lea Sa­longa na kak­an­ta ng Kaila­ngan Ko’y Ikaw, Mar­tin Nie­vera (Ikaw ang Aking Pa­nga­rap), Jaya at Janno Gibbs na the same song ang duet, Kyla at JayR (duet ng Hanggang Nga­yon), Gary Valenciano (Ka­ila­­ngan Kita), at Tux na favorite ni Regine.

*    *    *

Naniniwala si Stef Prescott na deserving siyang mapasali sa Grazilda at deserving siya sa role ni To­nette na isang spoiled brat at inggitera dahil nag-au­dition siya for no par­ticular role at ang na­bang­git na role ang ibi­nigay sa kanya.

Pagkapili, nag-workshop siya kasama ang buong cast at nangakong gagalingan ang trabaho para hindi magsisi ang mga naniwala at nagtitiwala sa kanya. Mapupuri si Stef dahil hindi namimili ng role, basta kaya, go siya at hindi nagpi-feeling bida.

Samantala, enrolled si Stef sa SKD Academy sa Quezon Avenue, Quezon City na isang culinary school. Dream ng aktres na magtayo ng restaurant pero nasa showbiz pa rin siya. Pasta ang specialty niya at gustong pag-aralan ang baking.

Kinalimutan muna ni Stef ang lovelife after nilang mag-break ng non-showbiz BF after five months. Tang­gap ni Stef na ipinagpalit siya ng ex sa ibang babae.

*    *    *

Monday sa Trudis Liit, pinalayas ni Nick (Cris Villanueva) si Migs (Mike Tan) na ikina­lung­kot ni Tru­dis. May biglang hihila kay Ched (Maxene Magalona) at makikitang si Migs ang may gawa at ipapaliwanag kay Ched kung ano niya si Ronnie (Ian Veneracion).

Natakot si Lolly (Gina Alajar) nang magalit si Precious (Chynna Ortaleza) nang pagbantaan niyang ’wag agawin si Nick kay Honey (Pauleen Luna). Narinig ni Trudis ang usapan nina Lolly at Precious tungkol sa misyon.

Show comments