28th PPO Season, bukas na sa CCP

MANILA, Philippines - Nagbukas na ang 28th season ng Philippine Philharmonic Orchestra (PPO) kahapon, Sept. 10, 8:00 p.m. sa Main Theater ng Cultural Center of the Philippines.

Bago ang musical director ng PPO, ang French-American na si Oliver Ochanine.  

Sa Oct. 8, ang guest soloist ay ang Bulgarian pianist na si Georgi Slavchev. Sa Nov. 12 naman, ang guest soloist ay ang American bassist na si Steven Dibner, samantalang sa Feb. 11, 2011 ay ang Chinese violinist na si Tianwa Yang.

Mga leading Filipino soloists and choirs naman ang mga guests sa March 18. Sa April 15, ang guest soloist ay ang Thai pianist na si Poom Prommachart.

Para sa iba pang katanungan, tawag lamang sa 832-1125 local 1806.

Show comments