Ngayon pa lamang ay excited na ang mag-asawang Ryan at Judy Ann Santos-Agoncillo sa paglabas ng kanilang baby na kanilang papangalanang Juan Luis at may palayaw na Lucho.
Lahat ng preparations ng paglabas ni Lucho ay pinaghandaan na ng mag-asawa considering na meron na silang anak, ang kanilang adopted daughter na si Yohan (6).
Magkasama ang mag-asawa sa birthing class at may hiwalay na klase si Juday sa yoga at breastfeeding at panay-panay din ang paglalakad nito para madali at maging normal delivery ang paglabas ng baby.
Sa recent vacation ng mag-asawa sa Amerika ay namili na sila ng mga gamit ng bata at hindi pa rin tumitigil si Juday sa kasa-shopping para kay Lucho at siyempre pa, sa mga gamit ng kanyang mister at panganay na si Yohan.
Since nag-desisyon si Juday na magpahinga muna sa kanyang showbiz career sa loob ng isang taon para maging hand-on mom kina Yohan at Lucho, si Ryan ang todo kayod ngayon.
Bukod sa kanyang dalawang regular TV shows sa TV5 at pagiging isa sa mga co-hosts ng Eat Bulaga sa GMA, in-demand din si Ryan bilang product endorser.
* * *
Inaasahan na ang magaganap na kasalan sa pagitan nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid sa buwan ng Disyembre ay magsisilbing wedding of the year.
Alam mo, Salve A., parang kailan lang nang masaksihan namin ang kasal noon ni Ogie sa kanyang estranged wife na si Michelle van Eimeren sa hometown ni Ogie sa Batangas.
Personal naming nasaksihan ang pag-iibigan ng dalawa na nauwi sa kanilang pagpapakasal.
Isa sa mga tumayong ninong nila noon ang OctoArts big boss na si G. Orly Ilacad at kasama bilang best men ang yumaong si Francis Magalona at Michael V.
Flashback lang tayo ng konti. Tandang-tanda ko pa rin noon Salve A. nang awayin ako ng tatay ni Michelle na si G. Martin van Eimeren sa telepono nang malaman niyang may relasyon sina Ogie at Michelle.
Itinagubilin kasi noon ni Martin si Michelle sa pangangalaga ng OctoArts.
Nung simula ay ayaw noon ng pamilya ni Michelle kay Ogie pero kalaunan ay minahal din nila ito laluna nang malaman nila kung gaano ito kabait at ka-responsible. Katunayan, ang mga magulang ni Michelle ang unang nalungkot nang magkahiwalay sina Ogie at Michelle.
But that was years ago at iba na ang senaryo ngayon. Si Michelle ay maligaya ngayon sa piling ng bago niyang mister na isa ring Australyano at si Ogie naman ay ikakasal na kay Regine.
Pero ang maganda, sa kabila ng paghihiwalay nina Ogie at Michelle, nanatili ang kanilang pagiging magkaibigan dahil sa kanilang dalawang anak na sina Leila at Sarah.