^

PSN Showbiz

Angelica nagsisikat-sikatan na!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Kasisimula pa lamang ng shooting ng pelikulang pagbibidahan nina Angelica Panganiban at Vhong Navarro ay muli na namang pumirma si Angelica ng two-picture contract under Star Cinema.

Excited daw ang dalaga ngayon dahil magkakasama sila ng kanyang boyfriend na si Derek Ramsay sa isang pelikula na gagawin niya. “Kaka-excite ‘yun,” natatawang bungad ni Angelica.

“So feeling ko ngayon, lulungkutan ko na ‘yung buhay ko, ilang movies ang ginawa kong masaya, so sad-sadan na ako sa susunod para maaga na akong makapag-motivate. ‘Yun ang maganda sa ABS-CBN at sa Star Cinema, ‘di ka nila pinababayaan at bibigyan ka nila ng sobrang laking variety para ma-explore mo ‘yung talent mo,” dagdag pa ng aktres.

Nabigyan kamakailan ng title si Angelica bilang The Primetime Gem ng Kapamilya Network at ngayong kabi-kabila ang kanyang projects ay posible nga ba siyang bansagang isang ‘Queen?’ “Ay! Hindi po totoo ‘yan, wala po akong korona, bangs lang, nakakahiya. As much as possible gusto mo i-block off sa ’yo dahil puwedeng makasira sa ’yo ‘yung pakiramdam na ‘yun kasi baka natatakot ka, so gusto mong tanggalin ‘yun kasi baka pumangit ‘yung trabaho mo o baka masyado kang ma-overwhelm or lumaki ang ulo mo which is hindi naman talaga maganda.

“So as much as possible, ‘yung tao pa rin, pumasok ako rito at para lang akong empleyado na binigyan ng promotion na after nun ay lalabas ako na simpleng tao na ulit,” paglilinaw pa ni Angelica.

Isa si Toni Gonzaga sa mga artistang talaga namang namamayagpag ang career sa ngayon.

Blockbuster ang mga pelikula, kabi-kabila ang endorsements, multi-awarded ang albums at magaling na TV host, kaya tinaguriang multi-media star.

Kadikit ng tagumpay ni Toni ang kanyang mommy Pinty na siya ring manager nito. Mahirap kaya na maging manager ang isang magulang?

Narito ang naging pahayag ni Toni para sa SNN (Showbiz News Ngayon) : “Mommy Pinty will always be Mommy Pinty, nag-iisa siya sa buhay ko. Career woman siya, she has a nice job, boss siya, iniwan niya lahat ‘yun at the peak of her career. Nag-resign siya para maging P.A. ko, the one who’s carrying all of my taping stuff, nagsimula mommy ko doon. Ang hirap ng manager mo ay nanay mo, kasi lagi at lagi siyang nakikialam sa personal mong buhay. Di ba manager usually sa trabaho lang, but Mommy Pinty, what time is it? Uwi ka na, hindi ako nagbibiro. Si Mommy Pinty ay may curfew sa akin, 12 a.m. kapag may occasion 1 a.m. pero kapag nasa shooting, naiintindihan ng mommy ko ‘yun, pero kapag leisure time, no! 12 a.m.,” nakangiting kuwento ni Toni.

Mahigpit din daw si Mommy Pinty when it comes to boys kaya may bilin daw ito kay Toni : “Magpa-hard to get daw ako, kailangang mahirapan sa ’yo ang lalaki, kasi ang pinaghirapan ay mahirap pakawalan,” dagdag pa ni Toni.

 Reports from JAMES C. CANTOS

ANGELICA PANGANIBAN

DEREK RAMSAY

LSQUO

MOMMY

MOMMY PINTY

PRIMETIME GEM

SHOWBIZ NEWS NGAYON

SI MOMMY PINTY

STAR CINEMA

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with