Aware na rin siguro na hindi lamang sa kasikatan kundi maging sa kagalingan ni Charice ang mga Amerikano dahil ginagamit na nila itong pang-promo sa second season ng musical series kasama ang star ng series na si Lea Michelle.
Sa promotional video ng Glee ay makikitang nagpapagalingang kumanta ang dalawang kabataang singer sa bathroom ng kantang Telephone ni Lady Gaga. Pinatigil lamang ang mistulang showdown nila ng character na ginagampanan naman ni Jane Lynch.
Congratulations Charice talagang pinahahanga mo kaming mga kababayan mo sa maganda mong kapalaran diyan sa ibayong dagat.
* * *
Mukha namang tama ang pasya ni Lovi Poe na huwag nang sagutin pa ang pangungulit ng press sa totoong relasyon nila ni Cong. Ronald Singson, bukod sa nababawasan ang intriga sa kanilang dalawa, tila hindi naman nakakaapekto sa career niya ang kung anumang relasyon meron sila ng kongresista. In fact mas dumarami ang trabaho niya na siguro ay nagiging dahilan para mabawasan ang kalungkutan niya sa sinapit ng ‘kaibigan’ niya.
Sa kabila naman ng kaabalahan niya, nagagawa niyang dalawin ito at kahit mahirapan siyang magpabalik-balik ng Hong Kong okay lang basta maipakita niya ang suporta niya rito.
* * *
Hindi lamang pala si Christian Bautista ang magkakaroon ng project sa Indonesia kundi maging si Francine Prieto.
Kung si Christian ay isang teleserye ang gagawin dun, pelikula naman ang sa kanya, isang horror. Sequel ito ng isang big hit movie dun at first time na kukuha ng isang Pinay para makasama sa movie.
It seems nagkakaroon na sila ng tiwala sa kakayahan ng mga Pilipino hindi lang sa pagkanta kundi maging sa pag-arte.
Malaking pagkakataon ito para sa mga local artist natin na makilala sa labas ng bansa. Sino ang makapagsasabi, baka ito ang magsimula ng trend ng pagpapalitan ng mga talents sa bansa natin at sa ibang bansa sa Asya.
Madali namang matuto ng ibang lengwahe ang mga Pinoy na tulad din ng mga artista sa ibang countries na magaling nang mag-Tagalog, like Carmen Soo ng Malaysia, o si Daiana Meneses ng Brazil at iba pa.