Tirso Cruz naudlot sa FDCP
Ang indie director na si Briccio Santos ang bagong chairman ng Film Development Council of the Philippines (FDCP). Nanumpa na siya kahapon sa Malacañang.
Matagal na pinamunuan ni chairman Jackie Atienza ang nasabing ahensiya.
Nauna nang napabalita na si Tirso Cruz III ang uupong chairman sa FDCP pero anong nangyari?
Marami na raw nag-congratulate kay Tirso.
Samantala, wala pa raw naririnig ang source ko sa Malacañang kung sino naman ang papalit sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairman Consoliza Laguardia pero matunog pa rin daw si Grace Poe sa nasabing position.
* * *
Uy congrats to kafatid Iskho Lopez. Bongga. Na-appoint siyang Editor in Chief of the Presidential News Desk.
Yup, sa Malacañang na siya nago-office.
Kilalang scriptwriter at entertainment editor si Iskho bago siya napunta sa kasalukuyang posisyon sa gobyerno ni Pangulong Aquino.
Si Sec. Sonny Coloma ang immediate superior niya.
Cheers kafatid.
* * *
Pursigido ang GMA 7 na magpasikat ng maraming artista.
Kahapon ay ipinakilala nila ang sampung bagong artista - mga bagets na tinawag nilang tween stars.
Kasama sa grupo sina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Jake Vargas, Bea Binene, Krystal Reyes, Louise delos Reyes, Kierulf Raboy, Lexi Fernandez, Kristofer Martin Dangculos at Derick Lander Monasterio.Kilala na ang iba sa kanila like Barbie, Joshua, Jake, Bea, pero ang iba sa kanila ay magsisimula from zero.
Pero nangako ang GMA 7 na bibigyan sila ng maraming shows para mas mabilis na makilala.
Wait, try kaya ng ilan sa kanilang mag-change ng name. Masyadong mahaba at mahirap tandaan.
“Nabasa ko sa newspapers kahapon na galit daw sa akin si Gary V., sana mabasa ni Gary itong tweet ko. Dapat magalit siya sa asawa niyang chismosa at mahilig makialam sa buhay ng ibang tao. Gary, mahal kita, ang laki ng respeto ko sa iyo at idol kita. ayoko nang pahabain pa ito,” tweet ni Tita Annabelle Rama kahapon.
Sinagot niya ang sinabi ni Gary sa isang interview.
- Latest