The Correspondents wagi sa 2010 La Sallian scholarum awards

MANILA, Philippines - Umani ng parangal ang primerong news do­cu­men­tary program ng ABS-CBN na The Cor­res­pon­dents sa 2010 Lasallian Scholarum Awards noong Agos­to 27 sa Manila Peninsula. Ti­nang­hal na Outstand­ing Televised Feature Story on Youth and Edu­cation ang ulat ni Karen Davila na Ba­tang Bida na nag­­pa­kita ng pagpapahalaga ng mga bata sa sports at ang kanilang patuloy na pag-abot sa pa­ngarap sa kabila ng kahirapan.

Sa­mantala, manood sa The Correspondents nga­yong Martes upang alamin ang lunas sa sakit na nagpa-ospital sa mahigit 60,000 Pilipino ka­bilang ang mga artistang sina Derek Ramsay at Enchong Dee ng Magkaribal at si John Prats ng Banana Split.

Sisiyasatin ni Abner Mercado ang mga pa­raan ng gobyerno at ng mga ka­ra­niwang tao para labanan ang sakit tulad ng ha­lamang ‘Tawa-Tawa’ na ma­aaring tumulong sa paggamot nito ayon sa Department of Health.

Show comments