Bulilit nangangarap maging child wonder

MANILA, Philippines - Isang bulilit ang na­nga­ngarap ding pasukin ang mun­do ng showbiz tulad ng ibang mga ba­gets na pi­nalad na sa telebisyon – sina Zai­jian Jaranilla at Jil­lian Ward.

Ito ay ang anim na taong gulang na Fil-Jap, si Mirai “Meme” E. Shi­mada, na ipinanga­nak sa Na­gano, Japan. Sa mu­rang edad, nagpa­pakita na ng kahi­ligan sa pag­kan­ta, pagsa­yaw, at pa­nonood ng mga TV shows. Isinali ng mga ma­gulang si Me­me sa Teatrong Bulilit, Chil­dren’s Thea­ter Edu­ca­tion, at Yama­ha School of Music para mahasa ang talento at hilig sa pag-entertain sa tao.

Bukod sa pag-aar­tis­ta, pangarap din ng bata na maging doktor paglaki o hindi kaya’y pre­sidente ng bansa. Nasabi ito ni Meme dahil napa­nood niya ang mga kaga­na­pan noong eleksi­yon hang­gang maupo si Pa­ngu­long Noynoy Aqui­no.

At kahit Buddhist ang Daddy Hideo niya at Katoliko naman si Mom­my Eleanore, disipli­nado at may takot sa Diyos si Meme dahil ganoon siya pinalalaki ng mga magu­lang kahit magkaiba ang kultura at relihiyon nito.

Kung mabibigyang pansin at papalarin sa TV and movie industry, baka makadiskubre ng isa pang child wonder kay Meme.

Show comments