Zoren at Carmina hindi natatakot mabigo!

Aakalain mo bang magki-klik ang Love ni Mister Love ni Misis show nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi? 

Pero pinatutunayan ng dalawa na bukod sa pag-aar­tista ay pasado rin sila bilang TV host. Sila ang ma­gandang ehemplo ng isang samahan na kahit di pinag­­buklod ng kasal ay pinagbubuklod naman ng pag­mamahal. Obvious na hindi lamang nagma­ma­halan ang dalawa, masaya rin sila sa kanilang pagsa­sama. Kita mo ang chemistry nila. Sana balang araw ay ikasal sila at ipala­bas ito sa kanilang show.

Ang maganda sa dalawa, game sila sa mga chal­len­ges na ibini­bigay sa kanila, hindi sila nata­takot na ma­bigo, katulad din ma­rahil ng pinagda­daanan nila sa kanilang pagsa­sama. Mas­ki na ang ma­gandang pagpa­palaki sa kanilang kam­bal ay naki­kita sa show. Kaya sila pina­no­no­od dahil nag­pa­pa­kita sila ng magan­dang ehem­plo, naki­kita na­man na hindi sila perfect pero ang maganda narun ‘yung tapang na su­muong sa mga hamon. Basta mag­­kasama lamang sina mister at misis.

Congrats sa kanilang da­lawa.

*    *    *

‘Di tulad nun na parang itinata­go sa tao ang mga Castways, nga­yon pa­rang isinasabak sila sa mga shows ng GMA7 para mabigyan ng mas ma­­­­­­lawak pang exposure, para mas makilala pa sila ng tao at mabigyan ng pro­­­mosyon ang Survivor Philippines.

 Tama ang GMA sa desisyon nilang ito. Mas ma­rami ang nagkakaroon ng interes sa show at ‘yung mga Castaways, mas sumisikat.

Di gaya ng dati na sa Survivor lamang sila na­pa­panood. Nahahatak nilang pataas ang show and vice versa. 

*    *    *

Ako rin, naniniwalang walang ibig sabihin si Gloria Diaz sa kanyang comment tungkol sa mga beauty contestant na sumagot sa mga ka­ta­nungan sa kanila sa salitang gamay nila.

Hindi ko lang alam kung bakit ito binigyan ng ma­samang pakahulugan. Eh, si Gloria hindi naman kilalang manlalait at kung totoong ang karelasyon niya ng matagal ay isa ring Cebuano, Bisaya, talagang hindi siya mag­sasalita ng hindi maganda tungkol sa mga Cebuano dahil damay din ito.

Huwag naman tayong pabigla-bigla sa mga desisyon na ituring siyang persona non grata, at agad pa­hingian siya ng dispensa.

Paano ngayong nagkamali lamang ng inter­pre­tasyon sa mga sinabi niya, hihingi rin ba kayo ng dis­pensa sa kanya?

Show comments