Toni, KC, Charlene, at Boy nagpapatalbugan ng damit

Napaka-humble naman ni Christopher de Leon na para sigu­ro mapagaan ang loob ni Coco Martin who admitted na ni­ner­­bi­yos siya at nanginig nang makasama ang hari ng drama sa pelikulang Sa ‘Yo Lamang ay nagsabi rin na hindi lamang si Coco ang naka­­ramdam ng ganung feeling, siya rin. Ni­­nerbiyos din daw siya nang magka-ek­sena sila.

Pero baka hindi naman nagpapakababa lang ang premyadong aktor, baka nga naman na-chal­lenged din siya nang naka­sama ang batang aktor na sumikat at nag­ka-award ng marami sa mga indie films. Hindi rin naman basta-basta si Coco, he has proved himself sa marami niyang pe­likula at bagaman at ngayon lang siya lumilin­ya sa main­stream movies, sa TV ay nagpakitang gilas na rin siya. 

Lahat naman ng efforts ng mga gumanap sa Sa ‘Yo Lamang has paid off. Pinipilahan ang movie, maganda raw at walang luma­la­bas sa mga sinehang hindi mugto ang mga mata. Even Char­­le­ne Gonzales admitted sa The Buzz na iniya­kan nila ng husto ni Liezl Martinez ang movie. Hi­hin­tayin na lang ang magiging ka­palaran nito pagdating ng awards season para makumpleto ang success ng pelikula.

Going back to Coco, muling nakita ang versatility niya nang ku­manta siya sa promosyon ng bagong serye ng ABS-CBN na Idol na kung saan pare­hong singer ang kasama niya, sina Sarah Gero­nimo at Sam Milby.

*    *    *

Nandun ako sa studio na kung saan ginaganap ang The Buzz nung Linggo at admittedly medyo may pagka-istrikto sa mga pi­na­pasok sa loob which is understandable dahil maliit lang ang studio at hin­di masyadong makakakilos ang mga taong in­volved sa show kung masyadong ma­ra­mi ang ma­nonood. Limitado lang ang au­dience sa seating capacity.

Napansin ko, hindi lamang ang mga female hosts (KC Con­cepcion, Toni Gonzaga, Charlene Gonzales) ang may tila palig­sahan sa paganda­han ng damit, maski na ang nag-iisang male host (Boy Abunda) ay hindi nagpatalo sa kanyang all black outfit which is regularly made for him by a well known Singapore based designer.

Napansin ko nga na kahit pinakabata sa mga host si KC, siya lamang ang nag­pakita ng cleavage, sina Toni at Char­lene ay parehong takip na takip ang dibdib. Pero labas naman ang legs ni Toni sa kanyang black micro mini.

Na-miss ko si Jobert Sucaldito na nagbibi­gay ng mga karagdagang en­ter­tainment news kasama si Phoe­mela Baranda. Nag-resign naman daw ito ng maayos sa management ng show at maging kay Boy Abunda. At pinayagan naman.

Most of the interviews are done by Boy, meron din si KC pero live itong ginagawa sa studio. Ma­rami sa mga isyu na hinihintay ng tao na mabig­yan ng linaw ay sa mga interviews ni Boy nasa­sagot. Tulad ng isyu sa kung mahal pa ni Gerald An­derson si Kim Chiu.

Sinagot ito ni Gerald ng “I care for her” and not “I love her” mind you. Kaya ba hindi na sila nagkaka-partner sa ASAP XV? Sa napa­kaganda nilang dance opening sa ASAP XV nung Linggo, si En­chong Dee ang naging ka-partner ni Kim habang si Sam Milby naman ang nakaduweto ni Gerald sa kanilang dance number.

*    *    *

Nahirapan daw mag-shoot sa Japan sina Aga Muhlach at Angel Locsin ng kanilang pelikulang Huling Sayaw. Bukod sa malalayo ang nilalakad nila at nagrereklamo na si Angel na nagka­kakalyo na siya sa paa ay lubhang napa­kainit pa sa ban­sang Hapon dahil sum­mer ngayon dun.

Nakabalik na si Aga ng bansa at bumabawi ito ng tulog dahil ta­lagang halos wala silang tulog sa ilang araw na itinigil nila sa Japan. Sinabi ni Aga na ang script ng Huling Sayaw ang pinaka-ma­gandang script na tinanggap niya in his movie career.

*    *    *

Sa ganda ng mga opening numbers na napapanood sa Danz Show­down araw-araw, sulit ang pag­gising ng maa­ga para lamang mapa­no­od ang prog­ra­mang lubhang pinag­bu­bu­hu­san ng pa­nahon para lamang maka­kuha ng isa, yes isa lamang, ba­gong miyembro ng Sexbomb.

Show comments