^

PSN Showbiz

Marian at Bela nagharap na!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

This week na ang first taping day ng Koronang Papel and so far, hindi nababago ang line up ng cast at si TJ Trinidad pa rin ang leading man ni Iza Cal­zado.

Tila hindi mababago ng mga e-mails ng mga fans nina TJ at Regine Velasquez sa press ang desisyon ng management na pagpalitin sina TJ at Dingdong Dan­tes.

Request ng Regine-TJ fans na ang aktor ang ipareha kay Re­gine sa I Heart U Pare at si Dingdong ang itam­bal kay Iza sa Koronang Papel. Pero parang hindi na matutupad ang gusto ng grupo ng mga taga­hanga na muling mapanood sina Regine at TJ after Diva dahil sa kanilang e-mails sa entertainment press, nag­la­bas sila ng sama ng loob. Bakit daw na-disap­point sila ng GMA 7? Nagbanta pa ang grupo ng mga fans na hindi panonoorin ang I Heart U Pare at Koronang Papel ’pag hindi mapag­bibig­yan ang kanilang request.

Ang hindi lang maganda, pati si Dingdong idi­na­may sa dis­appoint­ment nila, hindi naman ang aktor ang nagde-de­cide kung anong project ang ibi­bigay sa kanya. Saka, katatapos lang ng Diva, malaki pa ang tsansang pagtambalin sina Regine at TJ!

*    *    *

Ang kissing scene nina Nadine Sa­monte at Den­nis Trillo sa End­less Love ang isa sa mga itinanong kay Jen­ny­lyn Mercado nang ma-interview ang aktres sa shooting ng Rosario. Hindi ba siya nagselos, lalo’t kaibigan niya si Na­dine?

Sagot ni Jen, “Trabaho ’yun, bakit naman ako magseselos? Hin­di lang kay Nadine, pati sa kissing scene niya sa ibang aktres, bakit naman ako mag­seselos?

“Gumagawa rin naman ako ng kiss­ing scene at dito nga sa Rosario, ang dami kong kissing scenes kay Yul Servo at may rape scene pa kay Ricky Davao. Grabe, magugulat ang mga fans sa mga ginawa ko rito!”

Gaya ni Phillip Salvador, bilib din si Jennylyn kay Albert Mar­tinez. Magaling ito at nagawang hindi bastos at malaswa ang kissing scene, love scene at rape scene niya.

Samantala, first time hindi pumalag ni Jennylyn nang tukuyin naming BF niya si Dennis. Unlike before na kinokontra niya agad ‘pag sinasabi ng press na nobyo niya ang actor.

*    *    *

Tingnan n’yo na ’yan, kundi pa ipina-interview ng GMA Artist Center si Bela Padilla, hindi pa malalaman ang tsikang sila ni Jason Abalos. May nag-react kasi sa sinabi ng young actress na single siya at walang BF at sa career ang focus.

Paano nasabi ni Bela ’yun, samantalang BF niya si Jason? Naku, ma-interview nga uli ang young actress na naiintriga ngayon dahil sa inaming may tension sa set ng Endless Love dahil sa tsikang pinagseselosan siya ni Marian Rivera dahil kay Dingdong Dantes.

Pumayat si Bela dahil sa taping ng Endless Love at babawi na lang siya ng tu­log at kain ’pag nagtapos ang taping. Wala pang next soap si Bela at wish nitong totoo ang tsikang isa siya sa mga leading ladies ni Richard Gutierrez sa Captain Barbell.

Samantala, may nagtsika sa amin na pinagharap at pinag-usap sina Bela at Ma­rian Rivera kahapon para matigil na ang isyu at mawala na ang tension sa ka­nilang dalawa. 

vuukle comment

ALBERT MAR

ENDLESS LOVE

I HEART U PARE

KAY

KORONANG PAPEL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with