Sam tamad!
Very exotic and daring ang mga poses ni Sam Milby para sa September issue ng Cosmo Magazine.
Maganda ang pangangatawan ng aktor pero ano kaya ang mga ginawa niyang preparasyon para sa pictorials ng sexy magazine?
“I don’t really do any cardio, tamad ako but what’s really I’m lucky about is I build really fast. If I work out like let’s say two days in a row, I build fast,” seryosong pahayag ni Sam.
Sa Sept. 9 ay mas marami pang ire-reveal si Sam para sa kanyang pagrampa for the Cosmo Bachelor Bash, balak din ng binata na imbitahin ang kanyang rumored girlfriend na si Marie Digby na nasa ibang bansa to cheer for him for the event.
“Unang-una ay nahihiya ako, nako-conscious ako, pangalawa ay masyadong malayo para pumunta siya rito para mag-cheer sa Cosmo Bachelor,” dagdag pa ng hunk actor.
Ano na nga ba ang tunay na status ng relasyon nina Sam at Marie ngayon?
“My fans sent her three of my movies, so, kahit paano, she got some of my stuff. She watched You are the One, Big Love, and I Love You So and nagustuhan naman niya,” kuwento pa ni Sam.
Gloria Diaz pinagso-sorry ang mga Cebuano
Kamakailan ay umani ng kabi-kabilang puna ang naging “major major” na sagot ng ating 4th runner up sa Miss Universe 2010 na si Maria Venus Raj.
Nagbigay ng suggestion ang dating Miss Universe na si Gloria Diaz para sa mga kandidata na maaari namang gamitin ang native language at pagkuha ng interpreter.
Sa interview ni Gloria sa TV Patrol ay ito ang kanyang naging pahayag.
“When you think about a Cebuana can hardly speak English and of course Tagalog, so maybe she should answer in Bisaya,” seryosong pahayag ni Gloria.
Ang statement ni Gloria ay umani ng batikos sa ilang kababayan nating Cebuanos. Ayon pa sa ibang kampo, minaliit ni Gloria ang mga Cebuanos sa pagsasalita ng Ingles.
Pagkatapos nito ay isang resolusyon ang binuo ng Vice Mayor’s League of Cebu para maideklarang persona non grata o unwelcomed visitor si Gloria sa kanilang lugar. Maging si Cebu representative Cutie Del Mar ay nagpahayag na rin ng kanyang pagkadismaya sa naging pahayag ni Gloria at humihingi rin ng public apology para sa mga Cebuanos.
Agad namang ibinigay ni Gloria ang kanyang panig sa usaping ito.
“I just want to clarify once and for all, this is what I said, beauty contestants should have their right to say or to answer the question in whatever language they want to say things even in Cebuano, they can say it in Cebuano. I did not say that they can’t say it in English.
“I think sila dapat ’yung mag-public apology kasi sila ’yung nag-misinterpret sa akin. Wala akong sinabing masama. I’m sorry that I caused them anguish. I’m sorry na na-insult sila pero wala akong sinabing masama, na-misinterpret. It all teaches us a lesson. I’m sorry that I hurt them,” depensa pa ni Gloria.
— Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest