Mama Salve, Asar Talo, Lahat Panalo ang final title ng game show ni Edu Manzano sa GMA 7 na magsisimula sa susunod na Linggo.
Alam na alam ko ang title ng bagong game show ni Edu dahil ako ang unang contestant na nag-taping kahapon.
Hindi ko sasabihin kung nag-win or Luz Valdez ako para hindi mawala ang element of surprise ng show.
Basta ang masasabi ko, panalo ang lahat ng mga contestant sa Asar Talo... dahil bumabaha ang datung sa programa ni Edu. Wala talagang uuwi ng luhaan!
* * *
Love si Edu ng staff ng Asar Talo... dahil mabait siya at punctual. Hindi late si Edu sa kanyang calltime at handang-handa siya nang sumalang kami sa stage.
In fairness to me, hindi ako napikon sa pang-aasar ng radio DJ na si Papa Jack. Siya pa nga ang natameme sa mga pang-aasar ko sa kanya.
Medyo na-guilty lang ako nang malaman ko na nagpapagaling pa si Papa Jack mula sa appendectomy procedure sa kanya. Sumabak siya agad sa trabaho, kesehodang hindi pa fully-healed ang sugat sa kanyang katawan.
* * *
Hindi ako nainip sa taping ng Asar Talo.. dahil masaya ang atmosphere sa loob ng studio.
Sagana rin sa pagkain para sa mga staff at guest ng show. May breakfast, lunch, merienda at dinner para sa lahat. Hindi ko namalayan ang oras dahil nag-enjoy ako sa Asar Talo. Winner na winner ang big-budgeted show ni Edu.
* * *
Kasama ni Edu sa Asar Talo... ang newcomer na si Ellen Adarna na na-discover dahil sa Youtube.
Angel ng show ang tawag kay Ellen dahil siya ang taga-bigay sa mga contestant ng limpak-limpak na salapi. Madaling makikilala si Ellen ng televiewers dahil mapapanood siya sa TV mula
* * *
May isang question si Edu na hindi ko nasagot pero ikinaloka ko nang husto. May kinalaman ang tanong sa nangyari noong 1994 sa Manila Film Festival.
Naloka ako dahil si Edu pa ang nagbasa ng question at laugh siya nang laugh habang binabasa ang tanong. Kung ano ang question, watch ninyo ang mga future episode ng Asar Talo...
* * *
Pinag-uusapan kahapon sa lunchbreak ng Asar Talo ang bridal gown na gagamitin ni Regine Velasquez sa araw ng kasal nila ni Ogie Alcasid.
Kakaiba ang wedding gown ni Regine dahil kulay pula ito at hindi puti. Knowing Regine, carry niya na magsuot ng red bridal gown na siguradong pag-uusapan ng mga mahihilig sa showbiz news.
Ang kasal nina Regine at Ogie sa December ang Wedding of the Year.
* * *
Hindi lamang ang Facebook account na Lolit Solis ang hindi totoo dahil fake din ang Twitter account na Lolit Solis.
Ipinapaalala ko sa lahat na wala akong Facebook at Twitter accounts. Huwag kayong magpapaloko sa mga tao na gumagamit ng pangalan ng ibang tao. I repeat, e-mail address lang ang meron ako (lolitkulit@yahoo.com.ph), hindi Facebook at Twitter.