^

PSN Showbiz

Para mawala ang malas sa buhay, Chin Chin dapat magpalit ng pangalan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Nadismaya ang mga Pilipino na gustong panoorin ang laban nina Congressman Manny Pacquiao at Antonio Margarito dahil gaganapin ito sa Dallas, Texas.

Masyadong malayo at magastos para sa mga Pinoy ang lumipad sa Texas. Maraming Pilipino ang nakatira sa California kaya mas convenient sa kanila na gawin ang mga laban ni Pacquiao sa Las Vegas na apat na oras lang ang layo sa Los Angeles.

Hindi na mababago ang venue ng laban nina Pacquiao at Margarito dahil nagkapirmahan na ng kontrata. Tuloy na tuloy na ang laban nila sa Texas sa November 13.

*    *    *

Sundin kaya ni Chin Chin Gutierrez ang payo ng astrologist na si Maricel Gaskell na palitan ang kanyang pangalan para mawala na ang mga bad luck sa buhay niya?

Sinabi kahapon ni Maricel sa Paparazzi na mawawala ang mga kamalasan sa buhay ni Chin Chin kung papalitan nito ang kanyang pangalan at lilipat siya ng bahay.

Dalawang beses nang nasusunugan ng bahay si Chin Chin at ang sey ni Maricel, hindi siya suwerte sa number 4. August 31 nang masunog ang bahay ni Chin Chin. Ika-walong buwan ng taon ang Agosto at kapag pinagsama ang 3 at 1, number 4 ang resulta nito. Walo rin ang bilang ng mga letra sa pangalan ni Chin Chin kaya hindi raw siya talaga lucky sa number 4.

*    *    *

Hindi rin nakapagtataka ang prediction ni Maricel Gaskell na hindi si Mariel Rodriguez ang huling babae sa buhay ni Robin Padilla.

Malakas ang magnet ni Robin sa babae at kahit sila na ni Mariel ang magkarelasyon, may mga babae pa rin na lalapit sa kanya. Habang maaga, dapat tanggapin ni Mariel na ladies man ang current dyowa niya.

*    *    *

Nag-email si Maria Yulo, isang PSN reader na nagtatrabaho bilang vocalist ng banda sa Crown Plaza Paragon. Sumulat si Maria para ibalita na hindi apektado ng hostage-taking incident sa Quirino Grandstand ang mga Pinoy sa China :

“I’ve been here for five years and so far, okey naman po kami rito. Minsan po, may mga nakikita kami na mga politician mula sa Pilipinas, mga mayor po ang karamihan sa kanila. Mababait naman po sila.

“Xiamen is 2-hours flight from Manila. Marami ang pumupunta rito na politicians dahil magaganda ang mga Chinese girl dito at super mga bata. Minsan, bitbit nila.

 “Okey po ang buhay namin dito kahit after ng hostage taking incident. Very civil ang mga Chinese. Thank God. Sana po Miss Lolit, ma-publish ninyo sa PSN ang letter ko. I will appreciate it very much.”

Na-appreciate ko rin ang e-mail ni Maria na nagpadala pa ng kanyang mga picture kaya sure ako na totoong tao siya.

Pero nakulangan ako sa news ni Maria dahil hindi niya sinabi ang names ng mga pulitiko na madalas na bumibiyahe sa Xiamen. Hihintayin ko ang part 2 ng e-mail ni Maria at harinawang sabihin niya ang mga pangalan ng mga malilikot na pulitiko...

ANTONIO MARGARITO

CHIN

CHIN CHIN

CHIN CHIN GUTIERREZ

CONGRESSMAN MANNY PACQUIAO

CROWN PLAZA PARAGON

MARICEL GASKELL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with