^

PSN Showbiz

Sumaklolo. Raymart at Derek aayusin ang gusot nina Claudine at Angelica

- TALONG ANONYMOUS -

TRUE : Reliable ang nagpa­rating sa amin ng impormasyong itut­uloy talaga ni Angelica Pa­nga­niban ang pagsampa ng demanda laban kay Clau­dine Barretto kung hindi nito iri-retract ang mga binitiwang pahayag laban sa una.

Nakasaad sa demand letter na ipinadala ng abogado ni Angelica na si Atty. Joji Alonzo na kung hindi magla­labas ng retraction si Claudine, mapi­pilitan silang magsampa ng kaukulang kaso laban sa aktres.

Kaya pagkatapos lumabas sa media ang de­mand letter na ’yun, naglabas na ng statement si Raymart Santiago para maipagtanggol si Clau­dine. Nakasaad sa kanyang pahayag na nag­kau­sap na sila nina Martin Castro at Derek Ram­say at nagkasundong ayusin ang gulo sa mahi­nahong paraan.

Dapat ay magbibigay din ng statement ang abo­gado ni Martin sa TV Patrol nung isang gabi pero hindi ito natuloy.

Hinihintay din ng kampo ng mag-asawang Ray­mart at Claudine na magsalita si Martin para sa­gutin ito ng aktor.

Inaasahang maaayos din ito at hindi na aabot sa demandahan.

TANONG : May balak na ba si KC Montero na pasukin ang escort service kung sakaling wala na itong trabaho?

Malapit nang magsara ang radio station na pi­nag­tatrabahuhan ni KC kaya napagtripan nitong mag-post sa kanyang Twitter account ng kung anu-anong kalokohan.

Unang nai-post nito: “It’s our last 30 days on U92…today on the show we discuss my job options. I want to be a bullfighter.”

Sunod niyang tweet: “I’m gonna call an escort service now and see if I can work there, listen.”

Tuloy pa rin ito sa tweet niyang, “Anybody have a landline of an escort service? I’m trying to call them on air.”

Hanggang sa, “I found one…hahaha! I hope they’re hiring at this escort service.”

Kung hindi mo gaanong kilala si KC, puwede mong seryosohin ang mga ipino-post nito sa mga social networking sites niya.

TOTOO KAYANG umalis si Lovi Poe pa­tu­ngong Hong Kong nung nakaraang Lunes na walang return flight ang ticket?

Wala ito sa Party Pilipinas ngayong araw at muk­hang magtatagal pa sa Hong Kong para samahan si Cong. Ronald Singson.

Iniiwasan na ni Lovi na pag-usapan ang pag­punta niya sa Crown Colony.

TSIKA LANG : Ma­lapit nang lilipatan ni Glai­za de Castro ang ba­gong bahay na binili ito somewhere in Quezon City.

Konti na lang ang aayu­­sin at puwede na niyang lipatan. Balak ni Glaiza na lilipat siya sa bagong bahay na binili niya sa pilot airing ng bagong prog­rama niyang Grazilda.

Sa Sept. 13 na magsisimula ang Grazilda kaya sobrang excited ang young actress.

Tuwang-tuwa ito sa napakaraming blessings na dumarating sa kanya, kaya pawang pasasala­mat na lang sa Diyos ang ipinagdarasal nito.

Kakaibang fantaserye itong Grazilda na pagbibidahan ni Glaiza sa GMA Telebabad.

Ang kuwento ay hango sa point of view ng kon­trabida na si Grazilda na isa sa mga stepsisters ni Cinderella kaya ibang approach ito kung iku­kumpara sa kara­niwang fantaserye.

ANGELICA PA

CLAU

CLAUDINE

CROWN COLONY

DEREK RAM

GRAZILDA

HONG KONG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with